41 anyos na babae, mukha lamang nasa edad 20 dahil sa 'black coffee'

41 anyos na babae, mukha lamang nasa edad 20 dahil sa 'black coffee'

- Viral ngayon ang mga larawan ng isang babae na 41 anyos na, mukha pa ring 20 anyos lamang

- Binahagi niya ang kanyang mga beauty secrets at kabilang na rito ang pag-inom tuwing umaga ng black coffee

- Maging ang mga kapatid ni Lure Hsu, isang Taiwanese interior designer ay nagtataglay ng 'ageless beuty' na aakalain mo talagang ang edad nila ay kalahati ng tunay na bilang nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kung totoo man ang sinasabing 'Fountain of youth' tila kasama na ritong nakaligo ang 41 taong gulang ng interior designer ng Taiwan na si Lure Hsu.

Ayon sa The Asian Parent Philippines, madalas daw mapagkamalang kalahati lamang ng kanyang edad si Lure dahil sa makinis niyang kutis, magandang pangangatawan at batang bata na mukha.

Marami ang nagugulat sa tuwing malalaman nila ang tunay na edad ni Lure dahil wala raw talaga ito sa kanyang itsura.

Katunayan, nag-viral pa ang kanyang mga larawan dahil sa di makapaniwalang mga netizens na nagawa na tuloy tingnan ang kanyang instagram account.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naging kapansin-pansin si Lure nang minsang batiin siya ng kanyang kapatid na isang aktres sa Taiwan na si Sharon para sa kanyang kaarawan. Noon ay nagdiwang siya ng kanyang ika-40 na kaarawan na kinagulat ng mga tagapanood.

At doon napansin na asi Lure pati na rin ang kanyang pamilya dahil sa lahat sila ay mukhang bata para sa kanilang mga edad.

Maging ang ina nila na 63 anyos na ay di rin nagpapahuli sa kabataang pustura at mukha ng mga anak.

Dahil dito, binahagi ni Lure ang kanyang mga beauty secrets kung paano niya napapanatiling di tumatanda ang kanyang itsura.

Isa na rito ang araw-araw na pagkakape na kanyang ginagawa tuwing umaga. Ito raw ay nagpapaganda at nagpapakinis ng kanyang balat at ginagawa raw nitong malusog ang kutis.

Siyempre sinasabayan niya rin ito ng pag-inom ng maraming tubig araw-araw.

Mainam din ang mag-moisturizer na siyang makakatuong sa pag-iwas sa mga kulubot lalo na ng mukha.

Iniiwasan rin niya ang kare at hangga't maaari ay pagkaing puro protina at fiber ang inyong kainin.

Mahalga rin daw ang pag-eehersisyo sa araw-araw. Sa ganitong paraan, nabubuhay ang pangangatawan at makaiiwas rin sa pagtaba.

Nirerekomeda rin ni Lure ang pag-inom ng mga supplements at vitamin c na malaki ang maitutulong sa kalusugan at sa balat natin. Makakaiwas rin tayo sa mga sakit dahil dito.

Siyempre, malaking bagay na maging positibo rin daw tayo sa araw-araaaw sabi ni Lure. Huwag madalas magalit at dapat ay laging may ngiti sa mga labi.

Kaya naman kung gustong ma-achieve ang beauty ni Lure na nagiging mukhang kalahati ka lamang ng iyong edad, wala namang masamang sundin ang kanyang mga beauty tips para na rin sa ikagaganda ng inyong kalusugan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Maymay Entrata, inulan ng papuri ng mga netizens dahil sa pagpapa-aral sa mga pinsan at kapatid

Maymay Entrata, pinag-aaral ang mga pinsan at kapatid! Netizens, napuno ng papuri

Maymay Entrata, inulan ng papuri ng mga netizens dahil sa pagpapa-aral sa mga pinsan at kapatid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel