Ina, pinasok ang 10 na trabaho upang mabuhay ang walong anak

Ina, pinasok ang 10 na trabaho upang mabuhay ang walong anak

- Kahanga-hanga ang katatagan bilang isang ina ni Lorlie Noblezada na pinasok ang 10 trabaho upang maitaguyod ang kanyang mga anak

- Sa kabila ng mga pagsubok na kinahaharap niya sa pagtatrabaho para sa pamilya, nagawa pa rin niyang bumalik sa pag-aaral at makatapos

- Lahat daw ay kinaya ni nanay Lorlie dahil sa pagmamahalan nilang mag-anak lalo na ng kanyang asawa na laging nakasuporta at nakaalalay sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na nakakabilib ang kwento ng isang dakilang ina na tulad ni Lorlie Noblezada.

Ayon sa buzzooks, walo ang anak ni nanay Lorlie na siyang tinataguyod nilang mag-asawa.

Di naging madali para sa kanya ang buhayin ang ganoong karaming mga anak pero ayon sa kanya "keribels" pa rin ang buhay.

Aminado siyang di siya sanay magtrabaho noon ngunit dala ng pagmamahal sa mga anak, naging responsable siyang ina na pinasok ang nasa sampung trabaho.

Katulong si Lorlie ng kanyang asawa sa pangingisda. Minsan na rin niyang pinasok ang 'watch and pray for the dead'. Nagi rin siyang traffic enforcer, massage therapist, Fish vendor, dishwasher, messenger. Minsan na rin siyang naging coast guard auxiliary volunteer at personal security guard.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa ngayon, pinasok na niya ang pag-a-asin o organic salt entrepreneur.

Di lang ito ang tyinaga ni nanay Lorlie. Nang magdesisyon siyang mag-aral at magtapos, ginawa pa rin niya iyon para mas mabigyan niya ng maayos na pamumuhay ang mga anak. nagsilbi rin itong magandang ehemplo sa mga ito.

Maging ang kanyang mister niya na si tatay Rizalde ay labis na nagpapasalamat sa kasipagan at pagiging huwaran ng kanyang asawa. Kaya naman maging siya ay di tumitigil sa pagtataguyod ng kanilang mga anak at pagsuporta sa kanyang misis.

Dahil sa kahanga-hangang kwento ng pamilya ni nanay Lorlie, na-feature sila sa 'Family is love' ng ABS-CBN dahil tunay na huwaran at kahanga-hanga ang pamilya nila na sana ay pamarisan ng lahat.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kim Chiu, walang masidlan ang kasiyahan sa malaking panalo bilang magaling na aktres

Kim Chiu, walang masidlan ang kasiyahan sa pagkapanalo ng 'Film Actress of the Year'

Kim Chiu, walang masidlan ang kasiyahan sa malaking panalo bilang magaling na aktres
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel