Pangalawa na ito! Isa na namang sanggol, naiulat na namatay di umano dahil lamang sa 'halik'

Pangalawa na ito! Isa na namang sanggol, naiulat na namatay di umano dahil lamang sa 'halik'

- Neonatal herpes ang tinuturong dahilan ng pagkamatay ng sanggol na si baby Kiara

- Ito ay maaring makuha sa ina ng sanggol o maging sa pagpapahalik sa sanggol sa mga taong mayroong herpes

- Muling pinaaalalahanan ang mga magulang na doble ingat sa mga bagong panganak nilang sanggol mula sa mga taong bumibisita rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang sanggol ang nasawi, 14 na araw mula nang ito ay pinanganak.

Ayon sa Asian Parent Philippines, isa raw itong kondisyon na tinatawag na neonatal herpes na maaring makuha ng sanggol sa paghalik ng mga tao, kahit pa ito ay kanyang magulang.

Malusog na sanggol ng ipanganak ni Kelly Ineson ang kanyang baby Kiara kaya naman laking tuwa na ng kanilang pamilya sa bagong karagdagang miyembro nila.

Nagunit napansin nilang bumabagsak ang timbang ni baby Kiara habang tumatagal. Di ito isinawalang bahala ng engaged couple at agad na dinala sa doktor ang dalawa.

Doon, nalaman nilang mayroong herpes simplex virus. Laking pagtataka ng dalwa dahil sa alam nila ang kondisyon na ito kaya naman maingat sila sa mga bumibisita sa mga anak at hindi basta ito pinahahalikan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa tindi ng impeksyon, inilagak sa ICU ang sanggol. Inabisuhan na ng doktor ang mga magulan ni baby Kiara na sakaling mabuhay pa ito, brain damage naman ang kondisyong kakaharapin.

Sa kasamaang palad, di na rin kinaya pa ng sanggol ang dumapng karamdaman at tuluyan na itong namaalam sa mundo.

Dahil dito, maigting na pinapaalalahanan muli ang mga magulang lalo na ng may mga sanggol na anak na huwag basta ipahawak kung kanino lalo na kung ito ay kapapanganak pa lamang. Bukod dito, huwag ding hayaang panggigilan itong halikan dahil maaring magdulot ito ng seryosong karamadaman na maaring magdulot sa kanila ng maagang kamatayan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kim Chiu, walang masidlan ang kasiyahan sa malaking panalo bilang magaling na aktres

Kim Chiu, walang masidlan ang kasiyahan sa pagkapanalo ng 'Film Actress of the Year'

Kim Chiu, walang masidlan ang kasiyahan sa malaking panalo bilang magaling na aktres
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel