Ilang kabataan, huli sa pagnanakaw ng ₱200,000 sa isang opisina para sa kinaadikang laro

Ilang kabataan, huli sa pagnanakaw ng ₱200,000 sa isang opisina para sa kinaadikang laro

- Huli sa cctv ang pagnanakaw ng limang kabataan ng halagang ₱200,000 sa isang opisina sa Davao del Norte

- Nasa edad 10 hanggang 14 ang mga kabataang lakas loob kumuha ng malaking halaga ng pera para raw sa online game

- Bukod dito, lampas na ng curfew hours nang isagawa ng mga kabataan ang pagnanakaw

Nakunan di umano ng cctv ng isang opisina sa Davao del Norte ang pagnanakaw ng limang kabataan ng halagang ₱200,000.

Ayon sa GMA news, nasa edad 10 hanggang 14 taong gulang ang mga kabataan na lakas loob nanloob ng opisina. Nagawa pa ng mga ito na iiwas ang cctv palayo sa kanila upag di makunanan ang binabalak nilang gawin.

Lampas curfew hours din nang isagawa ang pagnanakaw kaya naman naging lalong kapansin-pansin ang pananantili sa labas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang tanungin ang mga ito kung ano ang kanilang gagawin sa pera, diretsahan nilang sinabi na para ito sa online game na kanilang kinaadikang laruin.

Hindi raw ito ang unang pagkakataon na ginawa ito ng mga kabataan na ito dahil sangkot din di umano ang mga ito sa pagnanakaw sa Panabo City, Davao del Norte.

Dahil sa menor-de-edad pa ang mga ito, nilagak muna ang lima sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development. Ipapasok din ang mga ito sa rehabilitation program dahil na rin sa nakagawiang pagnanakaw na dapat maalis sa kanilang sistema.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Huling habilin ni Razorback drummer Brian Velasco sa FB live stream bago nagpatihulog sa building

Huling habilin ni Razorback drummer Brian Velasco sa FB live stream bago nagpatihulog sa building

Brian Velasco, may huling habilin ilang minuto bago nagpatihulog sa gusali
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel