Akala niya di na maibabalik! Dayuhan, napaluha nang maisauli ang pitaka niyang may lamang ₱600,000

Akala niya di na maibabalik! Dayuhan, napaluha nang maisauli ang pitaka niyang may lamang ₱600,000

- Di na inakala ng isang German national na maibabalik pa sa kanya ang kanyang pitaka na may ₱600,000

- Isang mag-asawa ang nagsauli ng pitaka na napulot nito sa mall kung saan ito naiwala

- Namukhaan ng mag-asawa ang may-ari ng pitaka na talagang hinanap pa nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di na inaasahan ng isang German national na maisasauli pa sa kanya ang kanyang pitka na may lamang 10 euro o ₱600,000.

Ayon sa GMA news, naging emosyonal ang dayuhan dahil napabalik pa ang perang kanyang pinaghirapan.

Sa San Jose del Monte Police station nagtungo si Alexander Berth, at kaniyang kinakasamang si Bernadette Castillo dahil dito umano dumulog ang mag-asawang Felix at Lera Joy Maquiling na nakapulot ng pitaka.

Talagang sinunson pa ng mag-asawa ang kinaroroonan ng German national dahil nang makita nila ang pitaka sa mall, alam nila na ang may-ari nito ay ang nasa harap nila sa pila sa cashier at iyon ay sina Bernadette at partner nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagpatulong na si Lera Joy sa kanyang kaibigang pulis na si Senior Police Officer 1 Jacklyn Salboro, upang mas mapadali ang pagtunton sa may-ari ng pitaka.

Nagkataon na mayroong kaibigan ang pulis na kaibigan pala ni Bernadette kaya naman nang ibinahagi niya ito sa social media, agad na nakuha ang impormasyon ng Pinay na kinakasama ng German national.

Samantala, di raw talaga pinag-interesan ang pera dahil sa hindi naman daw nila ito pinaghirapan.

Isa pa, alam nilang hinahanap naito ng may-ari kaya naman talagang isinauli nila ito.

Laking gulat naman ng German national sa ginawa na ito ng mag-asawa lalo pa at di na niya akalain na maibabalik pa iyon sa kanila. Napaluha siya dahil sa may pinaglalaanan daw sila ng perang iyon. Dahil dito humanga sa katapatan ng Pinoy si Alexander.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
20-year-old son takes mom's jewelries and gives it to his Facebook girlfriend

20-year-old son steals jewelries of mother, gives it to girlfriend he met on Facebook

20-year-old son steals jewelries of mother, gives it to girlfriend he met on Facebook
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel