Jackie Chan, may inamin tungkol sa nagawang pang-aabuso at pangangaliwa sa asawa

Jackie Chan, may inamin tungkol sa nagawang pang-aabuso at pangangaliwa sa asawa

- Inamin ni Jackie Chan ang ilang kontrobersiyang ikinabit sa kanyang pangalan

- Sa pamamagitan ng kanyang aklat inamin niya ang pangangaliwa sa asawa niya

- Kahit ang kanyang anak ay nasaktan din umano niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pamamagitan ng kanyang aklat, inamin ng Chinese superstar na si Jackie Chan ang kanyang pananakit sa anak at pangangaliwa sa asawa.

Ibinahagi niya ang ilan sa mga hindi ganun ka positibong aspeto ng kanyang pagkatao at kabilang na nga dito ay paglalasing, pagsusugal at pambababae.

Inamin niyang hindi siya naging matapat sa asawang si Joan Lin.

Dahil sa tinamong swerte sa kanyang career ay nahilig daw siya sa mga bayarang babae.

“Even though I made next to nothing, I spent all my wages on drinking, g4mbling, and girls. We all did," saad niya.

Dagdag pa niya, nasaktan niya ang anak nang sipain siya nito.

"When I bent down to pick them up, he kicked my hand away! I was furious."

“I picked him up with one hand and flung him across the room, and he crashed into the sofa",sabi niya.

Inamin niya rin ang pagkakamali niya sa kanyang asawa. “In 1999, I made a serious mistake."

Nagkaroon siya ng anak sa dating Hong Kong beauty queen, at winner ng Miss Asia 1990 na si Elaine Ng Yi-Lei.

“When the news broke about an affair I’d had that resulted in a child, the media frenzy was like a bomb going off. I wanted to phone Joan but I didn’t know what to say. I wouldn’t be able to explain this.”

Ayon pa sa ulat ng The Asian parent Philippines, hindi na natalakay ni Jackie Chan ang kanyang relasyon sa naging anak nila na si Etta sa nasabing aklat. Naging laman ang anak niyang si Etta kamakailan nang magpakasal sa girlfriend niyang si Andi Autumn.

Sa kanyang naging mga panayam, ibinahagi ni Etta na hindi naging maayos ang samahan nilang mag-ama.

“He never existed in my life. I will never regard him as a father.”

“And I would not say that he is my dad...I would say, ‘Oh, Jackie Chan, an actor," saad pa nito.

Si Jackie Chan ay nakilala sa paggawa ng mga de kalibreng pelikula na nagpapakita ng kanyang galin sa martial arts. Kilala siya sa buong mundo at naging bahagi na rin ng maraming international films.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Scarlet Snow Belo wows the netizens with her excellent version of Catriona Gray's slow-mo twirl

Scarlet Snow Belo shows off her version of Catriona Gray's slow-mo twirl

Scarlet Snow Belo wows the netizens with her excellent version of Catriona Gray's slow-mo twirl
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel