Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

- Kamakailan lang ay napanayam ang mag-sissums at mga bida ng Mary, Marry Me na sina Alex at Toni Gonzaga ng press nang binalikan nila ang paghihirap na kanilang dinanas na pamilya

- Bago pa man marating ang superstar status ngayong ng magkapatid, lalong lalo na ang panganay na si Ultimate Multimedia Superstar Toni Gonzaga-Soriano sumunod ang bunso

- Naging emosyonal ang magkapatid na ibahagi nila ang mga mapapait na karanasan bago pa man narating umano ang ginwaha sa buhay ng natatamasa ng kanilang pamilya ngayon

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa sa balita na nalaman ng KAMI, lumaki sa ordinaryong middle-class na pamilya sa Taytay, Rizal ang mag-sizzums na sina Toni Gonzaga, 34 years old, at Alex Gonzaga, 30 years old, na Celestine at Catherine, respectively, ang tunay na mga pangalan ng magkapatid.

Si Mommy Pinty ay dating manager daw sa finance department ng isang bus company at Daddy Bonoy na vice mgayon ngayon naman umano sa kanilang lugar ay dating nagtatrabaho daw bilang contractor.

Gayunpaman, ay may mga pagkakataon daw noong mga bata pa sila na kinakapos sila ng pera.

Natatandaan pa raw ni Alex kung paano umano pinagkakasya ng kanilang mga magulang ang budget nila para sa kanilang simpleng pamamasyal sa mall sa Cainta, Rizal.

Nagbalik-tanaw naman si Alex tungkol sa kagipitan nila noon.

Ani pa nito:

“Merong bagong restaurant sa Sta. Lucia, sa katabi ng sinehan. Ngayon, anytime puwede tayo kumain dun. Sa atin, nung time na yun, ang mahal-mahal.'Mommy, gusto naming kumain diyan.' E, siguro nagkaroon sila ng pera...Naalala ko ang pera namin nun, PHP700. E, manonood pa kami ng sine, PHP50 pesos each.Naaalala ko, sabi ng mommy sa daddy, ‘OK, P500 lang yung maiiwan…’Pero di niya sinasabi sa amin, narinig ko lang.”

Para umano maibigay ng gusto nila bilang mga anak, pasimple lang daw ang pagtitipid ng kanilang mga magulang.

Naluluhang pagpapatuloy pa na pahayag ni Alex:

“Sabi ng mommy, ‘O, Bonoy, dun ka na lang sa baba bumili. Sa baba ka na lang, kulang ang budget.’ E, bibili nga kami ng pancake. 'Tapos ang daddy ko, ‘Hindi, ayoko diyan. Gusto ko sa baba bumili.’Parang naiisip ko noon, ‘Grabe, isang meal lang namin, saktong-sakto.'Tapos nag-request kami, hindi kami makakaing apat sa isang resto."

Si Toni naman ang nanatiling matatag umano bilang panganay.

Kaya naman daw hindi siya masyadong nagpapakita ng emosyon.

Pagbahagi pa na kwento ni Toni:

“Palagi siyang espiya dun sa mommy at daddy. Sasabihin ni Alex, ‘Binenta ng mommy yung alahas niya... Ate, tumaya ang daddy sa sweepstakes... Binenta ng daddy yung ano niya…’Sasabihin ko naman, ‘Paano mo nalaman?’ Sagot ni Alex, ‘Chineck ko yung bulsa ng daddy, may resibo.’”

Marami daw na mga gamit na naibenta ng kanilang mga magulang at mapapansin na lang daw nila na wala na ang mga naturang gamit.

At ito raw ang naging motibasyon ni Toni Gonzaga para mag-audition at magtagumpay.

Ani pa ni Toni:

“Ako naman, tuwing sasabihin ni Alex sa akin yun, motivation ko yun lagi. Hindi ako umiiyak nun. Sabi ko sa sarili ko, ‘Hindi na magbebenta ang mommy…Kaya laging audition ulit, audition ulit. Lagi akong ganun.”

Payo pa ni Toni:

"Walang Imposible kay God ...Never throw your dreams away"

Parte ng naturang interview nina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga sa PEP Live ay para sa promotion ng kanilang movie na Metro Manila Film Festival entry na Mary, Marry Me.

POPULAR: Read more news about Toni Gonzaga and Alex Gonzaga here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow Pinoys answering some tricky questions and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang sexy naman kasi! Celebrities react to Mikee Quintos' blazing beach photo

Ang sexy naman kasi! Celebrities react to Mikee Quintos' blazing beach photo

Ang sexy naman kasi! Celebrities react to Mikee Quintos' blazing beach photo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel