She did it again! Miss Universe Philippines Catriona Gray dazzled again with her 'slow-mo twirl' in a tight dress

She did it again! Miss Universe Philippines Catriona Gray dazzled again with her 'slow-mo twirl' in a tight dress

- Pati raw si Miss Universe Philippines Catriona Gray ay nasorpresa rin daw sa grabeng impact ng kanyang 'slow-mo twirl' na talaga namang pinag-uusapan ngayon sa online at offline world

- Nagbigay naman ng isa pang patikim para kay Dyan Castillejo ang kandidata natin ng kanyang signature 'slow-mo twirl' suot-suot ang tight-fit dress

- Kahit medyo nahihirapan ang ating pambato sa 2018 Miss Universe dahil sa kanyang damit ay pinagbigyan pa rin niya ang hiling ni Castillejo at lalong pinahanga ni Catriona ang taong bayan

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bungad pa na pag-amin ni Catriona Gray na nasorpresa rin siya sa lakas ng impact ng kanyang 'lava walk' na may kasama pang 'slow-mo twirl' na pinag-uusapan talaga ng husto sa online at offline world.

Naispatan ng KAMI ang panayam na pambato ng Pilipina sa 2018 Miss Universe, na ginaganap ngayon sa bansang Thailand, na si Catriona Gray.

Sa balita na hating ni ABS-CBN News' Dyan Castillejo sa araw ng Biyernes, December 14, 2018, game na game na nakipag-usap ang 24-year-old stunner Pinay beauty queen tungkol sa pinag-uusapan at trending na 'slow-mo twirl' effect sa preliminary competition ng Miss Universe noong Huwebes, December 13, 2018.

Hindi niya rin daw alam na ganoon pala ang effect sa naturang turn niya pero pag-amin pa ng beauty queen na prinaktis at intensyonal daw iyon na gagawin niya.

Pero hindi naman niya inakala na grabe pala ang dating sa mga manood lalong lalo na sa mga netizens, na humantong na sa pagiging viral nito.

At bago pa man niya tinapos ang interview, pinagbigyan niya si Dyan Castillejo na gawin ang kanyang 'lava walk' at 'slow-mo twirl' effect.

Waging wagi naman talagang naideliver ito ni Catriona kahit na medyo mahirap daw ito gawin sa isang tight-fit dress na suot-suot niya sa naturang interview.

Bukod pa kay Catriona, may iba pang mga Pinay Miss Universe representative beauty queens na mayroong mga signature walks na aming ibinahagi kamakailan lang.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow Pinoys answering some tricky questions and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng maraming netizens ang pag-rampa sa supermarket

Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng netizens ang pag-rampa sa supermarket

Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng maraming netizens ang pag-rampa sa supermarket
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel