Tatay, gumawa ng mabigat na desisyon nang pinapili kung sino ang ililigtas - asawa o anak

Tatay, gumawa ng mabigat na desisyon nang pinapili kung sino ang ililigtas - asawa o anak

- Isang tatay ang kinailangan pumili sa dalawang taong kanyang minamahal dahil hindi maaaring sagipin ang dalawa nang sabay

- Pumili siya sa pagitan ng kanyang asawa at ng kanilang baby na isisilang

- Bagamat mahirap, pinili ng ama na sagipin ang kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang ama ang nanlumo nang sabihan siya ng doktor na kailangan niyang pumili sa dalawang taong mahal - baby o asawa.

Nalaman ng KAMI na naging masaya ang mag-asawa dahil buntis si misis.

Pero nang ito'y nasa ika-pitong buwan ng pagdadalantao, bigla na lang dinugo si misis.

Ayon sa TheAsian Parent, agad namang dinala sa ospital ng mister ang asawa ngunit komplikado pala ang pagbubuntis niya.

Tatay, gumawa ng mabigat na desisyon nang pinapili kung sino ang ililigtas - asawa o anak

Tatay, gumawa ng mabigat na desisyon nang pinapili kung sino ang ililigtas - asawa o anak (Photo: pexels)
Source: Facebook

Ayon sa doktor, dalawa lang ang pwede niyang pagpilian, magkakaroon ng emergency C-section na maaaring ikamatay ng kanyang asawa.

Ang pangalawang option ay ang asawa niya ang uunahin nilang sasagipin pero ito'y maaaring ikamatay ng premature na sanggol.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bagamat mahirap, pinili ng ama na sagipin ang kanyang baby dahil sabi niya, ito ang gusto ni Keyvonne, ang kanyang asawa.

Ligtas na napanganak ang baby na pinangalanang Angelique Keyvonne Connie.

Pero dahil sa kumplikasyon sa puso, namatay ang ina nito. Pero para kay Frederick Connie, tama ang naging desisyon niya.

Naganap ang malungkot na pangyayaring ito sa Colorado, USA.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy Legaspi are still confused in joining showbiz officially

Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy Legaspi are still confused in joining showbiz officially

Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy are still confused in joining showbiz officially
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel