Piloto, sinurpresa ang mga magulang na di nakakasama sa loob ng 17 pasko

Piloto, sinurpresa ang mga magulang na di nakakasama sa loob ng 17 pasko

- Emosyonal ang naging flight ng pilotong si Juan Paulo Fermin dahil sakay niya pauwi ng Pilipinas ang kanyang mga magulang

- Umabot na sa 2 miliion views ang video mismo ni Juan Paulo ng kanilang emosyonal na pagkikitang muling mag-ina

- Maging ang mga netizens ay natunaw ang puso sa napakagandang pamasko ng anak sa ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang video ng netizen na si Juan Paulo Fermin kung saan binahagi niya ang video ng emosyonal na pagkikita muli niya ng kanyang ina matapos ang 17 pasko na di sila nagkakasama.

Ayon sa Esquire, si Juan Paulo mismo ang piloto ng Philippine Airlines flight mula Vancouver na siyang mag-uuwi sa kanyang ina at stepfather nito pabalik ng Manila.

Walang kaalam-alam ang ina ni Juan Paulo at stepfather nito na bahagi siya ng flight na iyon. Sa tulong ng mga cabin crew, sinamahan nila si Juan Paulo na may dala-dalang bulalklak papunta sa kinauupuan ng ina at stepfather nito.

Nang makita ng ina si Juan Paulo, wala na itong nasabi kundi "Hala! Anak ko," at walang humpay na niya itong niyakap.

Di naiwasang maging emosyonal ng mag-ina dahil sa 17 pasko na pala silang di nagkakasama.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pangarap daw talaga ni Juan Paulo na ilipad ang kantang mga magulang. Ngayon, naisakatuparan pa niya ito sa pinakamasayang araw ng taon sa bawat pamilyang Pilipino.

“Every time they come home to the Philippines, tapos aaalis na naman sila, na-experience ko yung parang andoon ka sa airport na nag-iiyakan sila. So naisip ko someday I can bring people back to their families—it’s one way of giving back to others,” kwento ni Juan Paulo.

“I really did want to fly my parents home. Aside from that, the benefits I receive as a pilot will allow them to come home more frequently—it will be easier because it will become more practical,” dagdag pa ni Juan Paulo.

Nang malaman niya na makakauwi ang mga magulang nagyong kapaskuhan, agad siyang nakipagpalit ng schedule sa piloto sana ng flight na kinabibilangan ng mga magulang nito. Pinagbigyan naman siya sa kanyang kahilingan kaya naisakatuparan niya ang kanyang plano.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel