Anak ni BuCor chief Faeldon, natagpuan sa bahay ng drug suspek

Anak ni BuCor chief Faeldon, natagpuan sa bahay ng drug suspek

- Nakita raw sa target area ng search operation ang anak ng Bureau of Corrections chief

- Nagngangalan daw itong Nicanor Faeldon Jr. at nobya niya ang anak ng drug suspek

- Maging ang pulisya ay hindi inaasahang nandon si Faeldon Jr. at nagtataka rin sila kung bakit nandoon ang anak ng BuCor chief

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang hinihinalang anak ni Bureau of Corrections chief Nicanor Faeldon ang diumano’y nakita sa bahay ng isang drug suspek sa Naga City.

Nalaman ng KAMI na nagsagawa ng search operation ang pulisya sa bahay ng hinihinalang drug suspek na si Russel Lanuzo. Base sa interview ni PSupt. Errol Garchitorena Jr., ang Intel Chief ng Naga City Police sa DZMM ay pinangalanang Nicanor Faeldon Jr. ang lalaking ito.

“Base po sa mga dokumento na nandoon sa kanya, positive naman po na siya si Nicanor Faeldon Jr. na lumalabas po na girlfriend niya yung anak ng suspek natin doon,” giit ni Garchitorena base sa report ng Inquirer.

Giit ng pulisya ay hindi raw si Faeldon Jr. ang subject talaga nila sa operation at nagkataon lang na nandoon ito. Kaya naman, nagtataka ang pulisya ano ang ginagawa nito sa area.

“Actually, sir, hindi naman po talaga siya yung subject nagkataon lang na nandoon siya sa area na yon,” sabi ni Garchitorena.

“Nung sinearch po natin, wala naman pong nakuha sa kanya. But yun nga po ang pinagtataka namin, anong ginagawa niya doon,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, itinanggi naman ni Faeldon Jr. na sangkot siya sa drug operations ng ama ng kanyang girlfriend.

Sabi naman ni Senior Superintendent Felix Servita, hepe ng Naga City Police Office, ay maaaring makasuhan pa rin si Faeldon Jr.

“During the operations ay may nadatnan kami na 3 personalidad doon. Ang isa ay allegedly si Nicanor Faeldon Jr. So lahat-lahat apat ang dinala namin sa police station. Hindi siya ang subject ng operation kundi 'yung isa. Sa mga reports namin ay drug den 'yun. 'Yun ang pinagaaralan naming na kasuhan siya ng visiting drug den,” sabi ni Servita ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Sa ngayon, ipapasailalim sa drug test si Faeldon Jr. at tila confident naman ito sa resulta.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this animation video by KAMI, we show the story of a woman who adopted a baby boy. As he grew up, he became more rebellious and wanted to meet his biological mother. In the end, he learned an important lesson on who his real mother is – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pres. Duterte’s drug war an ‘example to the whole world’, says Sri Lanka President

Pres. Duterte’s drug war an ‘example to the whole world’, says Sri Lanka President

Pres. Duterte’s drug war an ‘example to the whole world’, says Sri Lanka President
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel