Pangulong Duterte, ‘saludo’ kay Pope Francis

Pangulong Duterte, ‘saludo’ kay Pope Francis

- Ipinahiwatig ni Pangulong Duterte na tila ‘bilib’ siya kay Pope Francis

- Para sa kanya ay “progressive” raw ang Santo Papa

- Subalit hindi pa rin nakalusot kay Pangulong Duterte ang mga pari at Obispo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang speech ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Las Piñas, tila pinuri naman niya si Pope Francis. Nalaman ng KAMI na tila “bilib” at “saludo” ang Pangulo sa Santo Papa.

"Itong pope ngayon, progressive 'to. Diyan ako, bilib ako. Saludo talaga ako dito," giit ni Pangulong Duterte base sa report ng ABS-CBN News.

Subalit, patuloy naman ang pagbabatikos ni Pangulong Duterte sa mga pari at Obispo na patuloy ang batikos din sa kanya.

"Kasi when you use religion as a platform to attack me, then do not be surprised," sabi ng Pangulo.

"Tutal, sino man maniwala na magpunta kayo ng langit?...You're dreaming. Ay lahat tayo magkita-kita sa impiyerno, kabaklaan ninyong mga p***** i** kayo," dagdag niya pa.

Base naman sa balita ng Inquirer ay sabi ng Pangulo na 85% ng mga pari ay ‘homosexual’.

“Eighty-five percent of them are homosexual. Alam ninyo ‘yan. Iyong ibang naiwan na 15, ayun, nagkakalat sa mundo,” sabi ng Pangulo.

Dati namang naiulat ng KAMI na sabi ng Pangulo ay 90% daw ang mga ‘homosexual’ sa mga kaparian. Depensa naman niya ay wala raw siyang masamang nais ipabatid sa mga ‘homosexual’ sapagkat marami raw siyang mga kamag-anak na ganito rin.

POPULAR: Read more news about President Rodrigo Duterte!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this animation video by KAMI, we show the story of a woman who adopted a baby boy. As he grew up, he became more rebellious and wanted to meet his biological mother. In the end, he learned an important lesson on who his real mother is – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter threatens nanay, if she'll not send P2,500 for her anniversary with boyfriend, she'll not call again

Daughter threatens mom that she'll not call again if she doesn't send P2,500 for her anniversary with boyfriend

Daughter threatens nanay, if she'll not send P2,500 for her anniversary with boyfriend, she'll not call again
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel