3-anyos, inakalang natutulog lang ang ina na mahigit 1 araw ng patay kasama nya

3-anyos, inakalang natutulog lang ang ina na mahigit 1 araw ng patay kasama nya

-Nadurog ang puso ng karamihan sa batang babaeng inakalang natutulog lamang ang kanyang inang pumanaw na

-Pumanaw ang ina nito habang nasa bahay silang mag-ina dahil sa pagkalason

-Nagulat na lamang ang kanilang mga kapitbahay nang matuklasang mahigit isang araw na itong patay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala nang buhay ang ginang na kinilalang si Mrs. Wu sa kanilang tirahan sa Yuhao County, Chongqing City, China.

Kasama nito ang tatlong taong gulang na anak sa kanilang bahay ng mga oras na ito ay bawian ng buhay.

Ayon sa ulat, December 5 nang mangyari ang insidente, December tumwag ang asawa nito na nagta-trabaho sa ibang lugar at ang naksagot sa tawag nito ay ang 3-anyos nilang anak.

Nang tanungin nito kung nasaan ang asawa, sinabi nitong natutulog ang kanyang ina at hindi gumagalaw.

Dahil dito, kinutuban na ang lalaki kaya agad itong tumawag sa mga kapitbahay nila upang silipin ang kanilang bahay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Laking gulat ng mga ito nang makita ng mga ito ang katawan ni Mrs. Wu at wala nang buhay. habang ang bata ay walang kaalam-alam na nakaupo sa kanilang kama.

3-anyos, inakalang natutulog lang ang ina na mahigit 1 araw ng patay kasama nya

Photo source: Feedy TV
Source: Facebook

Lumabas sa autopsy na isa't kalahating araw nang patay si Mrs. Wu.

Ayon sa imbestigasyon, nalason si Mrs. Wu nang magpabaga ng uling para magkaroon ng kaunting init sa malamig na panahon. Ngunit nalason ito ng nakalalasong carbon monoxide.

Ang ipinagtataka ng mga pulis ay kung bakit si Mrs. Wu lamang ang nalason kahit pa naroon din ang bata.

Ngunit ang mas ikinagulat ng mga ito ay nang tanungin nila ang bata kaugnay sa insidente, sinabi nitong natutulog lamang ang kanyang ina.

Marami ang nalungkot para dito. Habang ang ama nito ay nagpasyang umuwi na lamang sa kanila para alagaan ang dalawang anak.

Source: Feedy TV

3-anyos, inakalang natutulog lang ang ina na mahigit 1 araw ng patay kasama nya

Photo source: Feedy TV
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this animation video by KAMI, we show the story of a woman who adopted a baby boy. As he grew up, he became more rebellious and wanted to meet his biological mother. In the end, he learned an important lesson on who his real mother is on HUMANMETER Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak ni Joey de Leon na si Jako, ikinasal na at nagbahagi ng isang touching na witty tweet

Anak ni Joey de Leon na si Jako, ikinasal na

Anak ni Joey de Leon na si Jako, ikinasal na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel