Daming relate! Yam Concepcion, nakatanggap ng mga direct messages mula sa mga true-to-life kabit

Daming relate! Yam Concepcion, nakatanggap ng mga direct messages mula sa mga true-to-life kabit

- Kamakailan lang ay ibinahagi ni Jericho Rosales, ang aktor na gumaganap na Lino sa hit Kapamilya TV series na Halik, na extended sila

- Dahil dito, nagbahagi rin raw si Yam Concepcion, ang gumaganap sa papel ni Jade, na kanselad muna daw ang kanilang Pasko ngayon dahil sa naturang extension

- Sa naturang panayam ay isiniwalat din ni Jade na nakakatanggap raw siya ng mga direct message mula sa mga true-to-life kabit sa iba't ibang panig ng mundo

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa sa balita na napag-alaman ng KAMI, ibinahagi ni Yam Concepcion ang tungkol sa mga direct messages na natatanggap niya umano mula sa mga true-to-life kabit sa iba't ibang panig ng mundo.

Napanayam ng press reporters si Yam, na gumaganap sa papel na Jade sa hit teleserye na Halik sa Kapamilya network, sa taping ng "Family Is Love" Christmas concert ng ABS-CBN sa taong ito, na naganap sa Araneta Coliseum.

Dahil daw extend ang kanilang show ay tutok muna si Yam sa trabaho at wala muna daw Pasko, ani pa sa balita ng ABS-CBN News, kung saan una naming naispatan ang ulat na ito.

Nagbigay raw ng konting patikim si Yam Concepcion tungkol sa mangyayari sa show.

Ani raw ng aktres:

"Aasahan natin ang second chances. Even though you're a bad person, there's always hope to change and to be better, so makikita natin yan kung paano ma realize ni Jade ang mga pagkakamali niya at kung paano niya itatama ito."

At isa raw sa mga malaking tanong ng mga manonood ng show ay kung mapapatawad ba raw siya ni Lino, na ginagampanan naman ni Jericho Rosales.

Patikim pa umano na pahayag ni Yam:

"Feeling ko kasi sa lahat ng mga nagawa ni Jade, she's not deserving of his love anymore. But I feel like, kung mahal talaga nila ang isa't isa, love always wins."

Naitanong din kay Yam ang tungkol sa mga viewers na nakakarelate sa show niya at humingi ng true-to-life advice.

Saad naman ni Yam Concepcion:

"Maraming nag-DM (direct message) sa 'kin na mga babae like from New York, mga OFW, na talagang sabi nila na 'we're mistresses also, and I don't blame Jade kasi nagmahal lang naman tayo.' ..Hindi nila pinlano 'yun, hindi nila pinlano na magmahal and to be a mistress, and no one wants to be a mistress."

Pero paliwanag pa ng Kapamilya aktres:

"I'm not saying na it's right to be a mistress but we can't judge them, kasi iba ang sitwasyon nila e, huwag husgahan."

Una ng isiniwalat ni Jericho Rosales na extended ang kanilang record-breaking Kapamilya TV series na Halik.

Si Yam Concepcion ang gumaganap sa napakontroberisyal at pinag-uusapan na karakter sa Halik na si Jade.

POPULAR: Read more news about Yam Concepcion here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow Pinoys answering some tricky questions and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy are still confused in joining showbiz officially

Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy are still confused in joining showbiz officially

Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy are still confused in joining showbiz officially
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel