Manny Pacquiao, tumataginting na 3 milyon umano ang pamaskong handog sa mga tao

Manny Pacquiao, tumataginting na 3 milyon umano ang pamaskong handog sa mga tao

- May mahabang pila raw ng mga tao sa tapag ng bahay ni Manny Pacquiao sa Forbes Park

- Ayon sa isang eye witness ay namimigay daw ng pera si Pacquiao sa mga ito

- Umaabot daw ng tatlong milyong piso ang pamaskong handog ni Pacquiao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Usap-usapan daw sa mga residente ng Forbes Park sa Makati na tila may mahabang pila ng mga tao sa tapat ng bahay ni Pambansang Kamao, Manny “Pacman” Pacquiao. Nalaman naman ng KAMI na dahil daw ito sa pamimigay ng pamasko ni Pacman sa mga tao.

Ayon sa balita ng PEP.ph, sabi raw ng isang eyewitness ay “crazy scene” raw ang pangyayaring iyon. Mabilis daw kumalat ang balit kaya agad namang pumila ang mga kasambahay, driver at security guards sa bahay ni Pacman.

Dagdag pa ng isang residente ay umabot sa tatlong milyong piso ang halaga na naipamigay ni Pacquiao sa mga nakapila. Nangyari raw ang pamaskong handog ni Pacman noong umaga ng December 11.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Base sa balita ng Pinas Fact ay tatlong araw na raw pumipila ang mga tao roon simula alas-tres ng madaling araw. Malaki rin daw ang pasasalamat ng mga kapitbahay ni Pacman sa pamilya Pacquiao dahil sa patuloy na pagbibigay biyaya niya sa iba.

Naiulat na rin ng KAMI na ipinamalas ng kanyang asawa na si Jinkee Pacquiao ang bonggang mansion nila na tila yayamanin din ang mga Christmas decoration.

Nakilala si Pacquiao dahil sa kanyang galing sa boxing. Kasalukuyan naman siyang nagsisilbi sa Senado ngayon. Kasama si Pacquiao sa “billionaire’s club” sa Senado katulad ni Sen. Cynthia Villar.

POPULAR: Read more news about Manny Pacquiao!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this animation video by KAMI, we show the story of a woman who adopted a baby boy. As he grew up, he became more rebellious and wanted to meet his biological mother. In the end, he learned an important lesson on who his real mother is – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson

Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close ni Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson

Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel