Padyak drayber, suspek daw sa panggagahasa ng 5-anyos na babae

Padyak drayber, suspek daw sa panggagahasa ng 5-anyos na babae

- Isang panggagahasa umano ang nangyari sa isang 5-anyos sa Davao

- Ang suspek sa insidente ay ang kapitbahay nilang padyak driver

- Ngunit, itinanggi naman ng suspek ang mga akusasyon laban sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang “padyak” o pedicab driver ang inaakusahan ng isang ina sa Davao City na gumahasa umano sa 5-anyos niyang anak na babae.

Nalaman ng KAMI sa ulat ng Unang Balita ng GMA News na kapitbahay daw ng biktima ang nasabing padyak driver. Isang gabi raw ay umuwing luhaan at sugatan ang bata kaya naman agad itong ipinasuri ng kanyang ina. Base sa pagsusuri ay postibo raw na ginahasa ang bata.

Nagsimula ang pagsusupetya sa padyak driver dahil nakita umano ng kapatid ng ina ang bata kasama ang suspek.

"Galing ako sa kapatid ko. Nakasalubong ko at nakita kong may kasamang bata papasok ng abandonadong building [ang padyak draiver]. Hinahanap ko 'yung bata. Sabi ko, 'nasaan 'yung bata?' nasa labas daw. Sabi ko [sa kapatid ko], tingnan mo du'n sa building baka siya 'yung binitbit ng padyak drayber,” giit ng witness.

Sabi naman ng ina, "Matagal na siguro niyang dinadala doon ang anak ko. Hinihila niya tapos bibigyan niya ng pera. 'Yun lang talaga na aktuwal na nahuli ng kapatid ko."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Subalit, itinanggi naman ng suspek ang mga reklamo laban sa kanya. Aniya, hindi niya raw alam bakit siya sinisraan ng kapitbahay nila.

"Nagtataka nga ako kung bakit nila ako siniraan. Sa tagal ko na rito sa Davao, wala akong ginagawang masama, 'yang rape rape na 'yan,” sabi ng driver.

Samantala, sinampahan naman ng reklamong rape ang suspek.

Una namang naibalita ng KAMI na isang babae ang nagtamo ng saksak matapos siyang pagtangkaang gahasain ng tricycle driver sa Dagupan City.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this animation video by KAMI, we show the story of a woman who adopted a baby boy. As he grew up, he became more rebellious and wanted to meet his biological mother. In the end, he learned an important lesson on who his real mother is – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
PH now ranks as the 69th happiest country on earth

PH now ranks as the 69th happiest country on earth

PH ranks as the 69th happiest country on earth, 3rd in Southeast Asia
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel