"Ako na ang gumawa ng paraan", ayon sa 16-anyos na suspek sa pagpatay sa kanyang GF

"Ako na ang gumawa ng paraan", ayon sa 16-anyos na suspek sa pagpatay sa kanyang GF

-Inamin mismo ng 16-anyos na si Aaron Trejo ang pagpatay sa kanyang nobyang si Breana Rouhselang, 17-anyos

-Buntis ang biktima sa anak nito kay Trejo at hindi pa umano handa ang dalawa sa responsibilidad

-Isang linggo umano nitong inisip ang pagpatay sa nobya bago niya isinagawa ang krimen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Arestado ang 16-anyos na si Aaron Trejo dahil sa pagpatay niya sa kanyang nobyang si Breana Rouhselang, 17-anyos.

Ayon sa report, namatay si Breana dahil sa saksak at ang scarf na suot nito ay nakataling mabuti sa leeg nito kung kaya lumabas sa findings na nasakal pa ito bago tuluyang namatay.

Kwento ng nanay ng biktima, nagpaalam lang ang anak, na noon ay anim na buwang buntis, na makikipagkita sa nobyo bandang 11:00 ng gabi malapit sa kanilang bahay.

Ngunit nagalala na ito nang ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin nakauwi ang anak. Pinuntahan niya si Trejo ngunit sinabi nitong hindi umano nakipagkita ang dalaga sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hanggang sa natagpuan na ang bangkay ng dalaga sa isang basurahan sa likod ng isang restaurant.

Sa isang affidavit, inamin ni Trejo ang kanyang nagawang krimen. Sinabi nitong isang linggo nitong pinag-planuhan ang pag-patay sa nobya bago tuluyang isinagawa ang krimen.

" I took action, I took her life," anito.

Sinaksak umano nito sa dibdib sa bandang puso ang dalaga. At tsaka ibinalot sa isang garbage bag bago iniwan sa basurahan sa likod ng restaurant.

Inamin din nitong itinapon niya ang cellphone ng biktima at ang ginamit na pangsaksak sa biktima sa isang ilog malapit sa lugar.

Ayon pa kay Trejo, pareho pa silang hindi handa sa responsibilidad at ayon sa pahayag nito ay siya na ang gumawa ng paraan.

Source: Insider

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this animation video by KAMI, we show the story of a woman who adopted a baby boy. As he grew up, he became more rebellious and wanted to meet his biological mother. In the end, he learned an important lesson on who his real mother is on HUMANMETER Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pres. Duterte’s drug war an ‘example to the whole world’, says Sri Lanka President

Pres. Duterte’s drug war an ‘example to the whole world’, says Sri Lanka President

Pres. Duterte’s drug war an ‘example to the whole world’, says Sri Lanka President
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel