Ama, inabandona ang 5-anyos na anak sa 1 madilim na lugar para mag-party

Ama, inabandona ang 5-anyos na anak sa 1 madilim na lugar para mag-party

-Uminit ang ulo ng netizens matapos mabalita ang ginawa ng isang 41-anyos na ama sa kanyang anak na babae

-Isang malamig na madaling-araw, nagawang iwan ng tatay na ito ang 5-anyos na anak sa isang madilim na lugar ng nag-iisa

-Dahil dito, nagkaroon ng phobia ang bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang CCTV footage, kitang-kita ang pagdating ng isang lalaki na may kasamang batang babae sa isang campus.

Ang lalaking kinilalang ang 41-anyos na si Adrian Sanchez at ang kasama nito ay anak mismo nito na limang taong gulang pa lamang.

Ayon sa ulat, may visiting rights ng mga oras na iyon si Sanchez, ngunit dahil nais daw nitong maki-party ay nagawa nitong abandonahin ang anak.

Kwento ng bata, nagpaalam dawa ng ama na hahanap ng aso at sinabihan siyang huwag sumunod.

Sa kuha ng CCTV makikita pa ang bata na ibinabalabal sa sarili ang sweat shirt na iniwan ng ama dala marahil ng lamig.

Ayon sa report lagpas alas-singko ng madaling araw nangyari ang insidente.

Pagtapos ng dalawang oras, nagising ang bata mula sa pagkakaidlip at makikita sa video na tila aligaga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naglalakad-lakad umano ito hanggang sa makita ito ng isang pulis na siyang tumulong sa bata upang makauwi.

Gulat na gulat naman ang ina ng bata na si Gena sa nagyari.

"She told me she didn't think anybody was ever going to find her and that she was never going to see me again," kwento nito.

Dahil umano sa nangyari, nagkaroon na ng phobia ang bata na maiwan mag-isa.

Samantala, arestado naman ang ama ng bata at haharap sa kasong child abandonment.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this animation video by KAMI, we show the story of a woman who adopted a baby boy. As he grew up, he became more rebellious and wanted to meet his biological mother. In the end, he learned an important lesson on who his real mother is on HUMANMETER Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Batang ginahasa ng ama mula nang siya ay 6 na taon, dalawang beses nabuntis

Batang ginahasa ng ama mula nang siya ay 6 na taon, dalawang beses nabuntis

Batang ginahasa ng ama mula nang siya ay 6 na taon, dalawang beses nabuntis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel