Thirdy Ravena, umamin na sa namamagitan sa kanila ni Bea de Leon

Thirdy Ravena, umamin na sa namamagitan sa kanila ni Bea de Leon

- Usap-usapan nga ang pagiging malapit ng Ateneo student athletes na sina Thirdy Ravena at Bea de Leon

- Umamin naman si Ravena sa totoong namamagitan sa kanila ni De Leon

- Sinabi rin ni Ravena na matagal na niyang crush si De Leon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa late night show ng ABS-CBN na “Tonight with Boy Abunda” ay tinanong ng TV host na si Tito Boy ang Ateneo Blue Eagles player na si Thirdy Ravena ukol sa namamagitan sa kanila ng Lady Blue Eagles player na si Bea de Leon.

Nalaman ng KAMI na ayon sa interview ay matagal na raw crush ni Ravena si de Leon. Ibinahagi ni Ravena na noong high school pa lang daw sila ay nanonood na raw siya ng mga laro sa volleyball ni De Leon.

“My sister Dani, she used to play for Miriam so kung may games po ng Miriam vs. Poveda, manonood po ako kasi alam ko po nandoon si Bea,” sabi ni Ravena kay Tito Boy.

Nang tanungin naman ang basketball player kung official na bang nagde-date sila ni De Leon, agad na sagot ni Ravena ay, “No, no, Tito Boy.”

“We’re friends, friends po talaga. We just really enjoy each other’s company kasi madali po makarelate. We’re batchmates, we both are student athletes,” dagdag pa ni Ravena.

Tinanong din ni Tito Boy si Ravena kung ano na ang estado ng dalawa mula sa pagkakaroon niya ng crush kay De Leon.

“From crush, crush pa rin, Tito Boy,” sagot ni Ravena.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Inamin din ni Ravena na hindi siya nanliligaw kay De Leon at wala rin siyang dine-date na iba sa kasalukuyan.

Samantala, unang naibalita ng KAMI na noong nakuha ng Ateneo Blue Eagles ang kampeonato sa UAAP Season 81 Men’s Basketball ay tinanghal bilang Finals MVP. Sinagot naman ng kanyang Kuya Kiefer Ravena kung sino ba ang “better” sa kanilang magkapatid pagdating sa UAAP basketball.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this animation video by KAMI, we show the story of a woman who adopted a baby boy. As he grew up, he became more rebellious and wanted to meet his biological mother. In the end, he learned an important lesson on who his real mother is – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson

Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson

Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel