May biyaya ang kabutihan! Mag-asawa, kinupkop 3 anak ng pumanaw na kapitbahay, napaiyak sa naabutan sa kanilang tahanan

May biyaya ang kabutihan! Mag-asawa, kinupkop 3 anak ng pumanaw na kapitbahay, napaiyak sa naabutan sa kanilang tahanan

- Isang mag-asawa na kumupkop sa tatlong anak ng pumanaw na kapitbahay ang nakatanggap ng napakagandang biyaya

- Para sa kanila, hindi dapat lumaki ang mga bata na walang kinikilalang pamilya kaya kahit mahirap, kinupkop nila ang tatlong bata

- Nakita ng mga kapitbahay nila ang hirap na dinadaanan dahil sa biglaang paglaki ng kanilang pamilya kaya naman gumawa sila ng paraan para lubos na matulungan ang napakabuting mag-asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang mag-asawa ang nakatanggap ng napakagandang biyaya ngayong taon dahil na rin sa kabutihang loob na pinakita nila sa isang kapitbahay.

Nalaman ng KAMI na si Audrey ay may kanser at ni-request ang kapitbahay na sina Tisha at Kevin Beauchmin na kung puwede ay dun muna ang kanilang tatlong anak habang nag-uundergo siya ng testing.

May limang anak na rin sina Tisha at Kevin pero di sila humindi sa nirequest ni Audrey.

Nang lumabas ang resulta, malala na ang kanser at sobrang bilis na naging Stage 4, at kalauna'y pumanaw na si Audrey.

Pero bago iyon, sinigurado ni Audrey na mapunta sa mabubuting kamay ang mga anak at nirequest sina Tisha at Kevin na kung maaari ay maging legal guardians ng tatlong bata.

Tinanggap ito ng mag-asawa sa kabila ng malaking responsibilidad na haharapin nila.

Nang masagap ng Fox5 Surprise Squad ang kuwento nina Tisha at Kevin, umaksyon sila.

Pinuntahan nila ang mag-asawa at sinabing for free, dadagdagan nila ng loft ang bahay para hindi sila maging masikip kahit may tatlong bata na nadagdag.

Ang akala ng mag-asawa ay babaguhin lamang nila ang loft, pero di nila alam na full interior renovation ang gagawin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Di lang iyon, may nagsponsor pa ng van para kumasya ang bagong family of 10 nina Tisha at Kevin.

Talagang may biyaya ang bawat mabuting ginagawa para sa kapwa!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng netizens ang pag-rampa sa supermarket

Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng maraming netizens ang pag-rampa sa supermarket

Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng maraming netizens ang pag-rampa sa supermarket
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel