Akyat-bahay, huli sa cctv, pati payong at tsinelas tinangay din

Akyat-bahay, huli sa cctv, pati payong at tsinelas tinangay din

- Huli sa cctv ang panloloob sa isang apartment ng dalawang lalaki sa Pasay City

- Di pinatawad ng dalawang magnanakaw pati ang mga payong at tsinelas sa bahay

- Sa isa pang insidente ng pagnanakaw, kalmanteng naipuslit ng isa pang magnanakaw ang flat screen tv na dahan dahan niya lang pinuslit palayo sa lugar na pinagnakawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di pinatawad ng dalawang lalaking akyat bahay pati ang payong at tsinelas sa lugar na pinagnakawan.

Sapul sa cctv ang ginawang pagnanakaw ng dalawa sa barangay 184 sa Pasay city.

Makikita rin na tila nabulabog ang residente roon at nakita ang dalawa kaya naman wala itong mga nagawa kundi ang kumaripas ng takbo.

Samantala, sa isa pa ring insidente ng pagnanakaw, isa namang lalaki ang kalmadong nagnakaw ng flat screen tv.

Dahan-dahan at maingat ang lalaking nakaalis sa pinagnakawang bahay na animo'y walang nangyari.

Dahil sa mga pangyayaring ito, nagbabala ang awtoridad sa mga naglipanang magnanakaw lalo na sa panahon ngayon ng kapaskuhan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Kasi ini-ispatan nila 'yung mga bahay na pagnanakawan talaga nila. 'Pag nakakuha sila ng tyempo, 'yung ligid-ligid nun, unang tingin. Tapos pangalawa, babalikan na nila. Ibig sabihin nun papasukin na nila at pagnanakawan na nila," pahayag ng Kagawad ng barangay na si Teddy Rosales.

Dagdag pa ng awtoridad, kung lalabas ng bahay ngayong kapaskuhan, siguraduhing maayos ang mga kandado di lamang sa main door kundi sa iba pang maaring lagusan sa inyong tahanan. Ibayong pag-iingat ang kailangan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mother allegedly hurts little girl for sleeping in the jeepney, netizen chose to defend the helpless girl

Mother allegedly hurts little girl for sleeping in the jeepney, netizen chose to defend the helpless girl

Mother allegedly hurts little girl for sleeping in the jeepney, netizen chose to defend the helpless girl
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel