Netizens, nagreact sa panukala ng isang grupo na gawing P20 kada stick ng yosi

Netizens, nagreact sa panukala ng isang grupo na gawing P20 kada stick ng yosi

- Ayon sa Southeast Asia Tobacco Control Alliance (SEATCA) ay dapat triplehin ang presyo kada pakete ng sigarilyo

- Talamak daw kasi ngayon ang mga kabataang naninigarilyo sa bansa

- Nagreact naman ang mga netizens sa panukalang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nais isulong ng Southeast Asia Tobacco Control Alliance (SEATCA) na gawing triple ang presyo ng sigarilyo sa Pinas upang tuluyan nang matigil o mabawasan ang pagyoyosi ng kabataan.

Nalaman ng KAMI sa GMA News na ayon sa panukala ng grupong ito ay pwedeng umabot sa P20 kada stick ang sigarilyo.

Lumabas daw kasi sa resulta ng isang survey noong 2015 na pinakamarami sa Pilipinas ang mga kabataang naninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15.

“There was a survey that was done among the youth who said that they need the price to be at least P20 per stick and that won’t happen with a P2.50 per pack tax increase,” giit ni Dr. Ulysses Dorotheo ang executive director ng SEATCA.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Netizens, nagreact sa panukala ng isang grupo na gawing P20 kada stick ng yosi

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Todo support naman ang mga netizens sa panukalang ito. Narito ang ilang komento nila sa Facebook page ng GMA News:

“Dapat lang taasan ang presyo ng sigarilyo para wala nang mga smoker kasi nakaka irita yung usok ng sigarilyo!”
“Gawin nyo na 100 per stick para bongga. Tapos tanggalan nyo ng tax yung petroleum products. Para maging mura yung mga bilihin. Yung tax na kikitain sa yosi, idagdag sa pondo ng mga magsasakang pilipino at bigyan ng maayos na plano para sa pagnenegosyo.”
“Gawing 100 para mabawasan talaga.”
“Simple !!! Stop the manufacturing of cigarettes .... Alam nang DOH na masama sa health nang tao yan !!! THE BIG QUESTION IS WHY THEY STILL LET IT CONTINUE ???? the answer is MONEY !!!!”
“palagay ko kahit na magkano ang presyo ng sigarilyo walang epekto yan sa mga gustong gumamit. mas binubusog lang natin ang mga nakikinabang sa tax nyan. i believe kung gusto nilang mawala ang smoking simple lang no production, no manufacturing ganun lang. wag nang gawing komplikado ang rason.”
“Hindi ako pabor dyan.. Masyadong mura.. Dapat 300 per stick.. “
“illegalize cigarette is the best solution.”
“NAG YOYOSI AKO PERO SANG AYON AKO DITO, DAPAT MGA 50 PESOS ISA !”
“Smoker din ako. Pero pabor ako jan sana ginawa nio ng 500/stick ewan ko nlng kung bumili pa mga tao esp. Mga kabataan. At ma realize nla na bigas muna unahin bago bisyo”

May panukala sa Kamara ngayon na nais gawing P37.50 ang buwis sa 2019 at P40 naman sa 2020. Samantala, nais naman isulong sa Senado ang P60 hanggang P90 na dagdag buwis ang kada pack ng yosi na suportado naman ng SEATCA at Department of Health.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this animation video by KAMI, we show the story of a woman who adopted a baby boy. As he grew up, he became more rebellious and wanted to meet his biological mother. In the end, he learned an important lesson on who his real mother is – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel