Kongreso, inaprubahan ang extension ng martial law sa Mindanao

Kongreso, inaprubahan ang extension ng martial law sa Mindanao

- Pinaboran ng Kongreso ang pagpapahaba ng martial law sa Mindanao

- Giit kasi ni Pangulong Duterte ay makakatulong ito mapanatili ang kapayapaan sa Mindanao

- 235 na miyembro naman ng Kongreso ang bumotong pabor sila rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inaprubahan ng Kongreso ang muling pagpapahaba ng batas military sa Mindanao. Nalaman ng KAMI sa balita ng Philippine Star na ang extension ay aabot hanggang sa ika-31 ng Disyembre sa 2019.

Ito na nga ang pangatlong pagkakataon na inextend ang martial law sa Mindanao mula noong idineklara ito ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 2017 matapos ang gulong nangyari sa Marawi.

Gumawa ng letter si Pangulong Duterte para sa extension na ito upang aprubahan ng Kongreso. Giit ng Pangulo, ito raw ay importante upang mapanatili ang kapayapaan sa Mindanao lalo na laban sa mga terorista. Binanggit din ni Pangulong Duterte ang mga pagsabog sa Basilan, Sultan Kudarat at General Santos City nitong mga nakaraang buwan ayon sa balita ng ABS-CBN News.

Samantala, 12 ang pabor sa Senado, 1 ang abstain at 5 ang hindi pabor. Kasama sa mga hindi pabor sina Senador Franklin Drilon, Bam Aquino, Chiz Escudero, Risa Hontiveros at Kiko Pangilinan.

Sa Kamara naman ay 223 ang pabor at 23 ang hindi pumabor sa martial law.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagsalita na rin ang Palasyo sa naging desisyon ng Kongreso sa hiling ni Pangulong Duterte.

“We thank our lawmakers for sharing the executive’s view that the extension is purely intended for the general welfare and well-being of the people of Mindanao,” giit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Dati namang naibalita ng KAMI na wala siyang plano magdeklara ng martial law sa buong Pilipinas. Giit din niya, wala raw siyang plano i-extend din ang termino niya.

POPULAR: Read more news about President Rodrigo Duterte!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this animation video by KAMI, we show the story of a woman who adopted a baby boy. As he grew up, he became more rebellious and wanted to meet his biological mother. In the end, he learned an important lesson on who his real mother is – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking Iglesia ni Cristo, 'di na inuwian si legit para kay kabit

Reklamo ni legit, mas marami umanong naipundar si mister kay kabit

Reklamo ni legit, mas marami umanong naipundar si mister kay kabit
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel