Babala! Modus ng ‘Glue Gang’ sa ATM, nabisto ng pulisya
- Talamak ang modus sa ATM ngayon ng sindikatong “Glue Gang”
- Inamin ng suspek na limang taon na raw niyang ginagawa ito at miyembro siya ng sindikato
- Kaya naman, pinag-iingat ng awtoridad ang publiko sa modus na ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Tila isang modus na naman ang kumakalat ngayong malapit na ang Pasko. Nalaman ng KAMI na isang miyembro diumano ng “Glue Gang” ang nahuli sa Mandaue City na nagngangalang si Lunalyn De Pedro ng La Paz, Iloilo City.
Tampok daw ngayon ang modus sa ATM kung saan nilalagyan ng glue ang ilang button sa keypad para hindi ito gumana. Kalimitang biktima raw ng modus ay ang mga senior citizen na tila hirap mag-withdraw ng pera sa ATM ayon sa report ng Balita Pilipinas Ngayon.
Kaya naman, lalapitan daw ito ng suspek upang mag-alok ng tulong at saka hihingiin ang PIN ng biktima. Dahil ayaw pumasok ng PIN at hindi rin lumalabas pa ang card ay sasabihin ng suspek na agad itong mag-report sa bangko. Kaya naman, agad i-wiwithdraw ng suspek ang pera.
“Parang nagkakamali sa PIN number, sasabihin ng suspek ‘Ako na lang maglalagay ng PIN’ pero [sasabihin ng suspek] ‘Uy ayaw’,” giit ni Police Senior Superintendent Julian Entoma.
Ayon sa suspek ay limang taon na raw niyang ginagawa ito, noon sa Iloilo at sa Cebu naman ngayon. Siya na lang daw kasi ang bumubuhay sa mga anak niya dahil hindi raw sinusustentuhan ng ama. Inamin din ng suspek na miyembro siya ng sindikato.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Sabi ng pulisya, marami na raw ang mga nabibiktima ng modus na ito.
“Maraming nabibiktima. May tumawag sa akin na taga-Region 6. Sabi nila, Capiz, Bacolod, Iloilo. Nagagalit nga yung regional director nila kasi sa daming reklamo galling sa mga banking institutions,” giit ni Entoma.
Kaya naman, paalala ng awtoridad na huwag agad-agad magtitiwala sa hindi kakilala para hindi na mabiktima pa ng modus na ito.
Samantala, naunang naibalita ng KAMI na pinag-iingat din ng awtoridad ang publiko sa "abot-papel" modus kung saan may tao raw na mag-aabot ng papel kung saan nakasulat ang pagbabanta sa buhay ng biktima.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
In this animation video by KAMI, we show the story of a woman who adopted a baby boy. As he grew up, he became more rebellious and wanted to meet his biological mother. In the end, he learned an important lesson on who his real mother is – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh