Lalaking mayroong anim na asawa, gusto pang gawing ika-7 ang gf ng anak

Lalaking mayroong anim na asawa, gusto pang gawing ika-7 ang gf ng anak

- Isang lalaki ang mgay anim na asawa at 29 na mga anak

- Bukod sa anim na asawa, ninanais pa nglalaking ito na makuha ang nobya ng sariling anak

- Umani ito ng matinding pambabatikos mula sa mga netizens dahil sa parte raw umano ito ng paniniwala nila sa kanilang relihiyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Anim na babae ang piniling manirahan sa disyerto sa Salt Lake city upang makasama ang kanilang asawa at bilang bahagi ng paniniwala ng kanilang asawa na isang Fundamentalist Mormon na si Tom Green.

Naniniwala kasi siya na habang dumarami ang kanyang mga asawa at mga anak, mas mapapaganda pa raw ang posisyon niya sa kabilang buhay partikular na sa langit.

Kwento ni Shirley, pangalawang asawa ni Tom, 15 anyos lang siya nang nakilala ang asawa. Matapos siyang pakasalan ni Tom, pinakasalan naman nito ang nanay ni Shirley.

Naniniwala si Tom na ang diyos daw ang nagdisenyo di umano ng konseptong ito. Na ang mga babae ay nararapat na ikasal kung ito ay handa nang magkaanak. Dagdag pa niya, kasalanan din ang di pagkakaroon ng mga anak ang mga babae kung ito naman at handa na.

Aminado si Tom na inulan siya ng kritisismo dahil sa mga batang babae na malayo sa kanyang edad ang kanyang pinipinili bilang asawa.

Napatunayan naman daw kasi ng mga babaeng kinasama niya na kaya na nilang magkaroon ng pamilya at maging ina.

Kwento naman ni Hannah, "sweet" daw si Tom kaya siya nabighani nito. Matapos ang nasa tatlong linggo, pinakasalan naman ni Tom ang kapatid ni Hannah na si Carrey.

Ayon naman kay Carrey, balewala sa kanya na may kahati siya ka Tom. Katunayan, mas magi-guilty pa raw siya kung di ito magmamahal ng ibang babae gayong magaling itong mag-aruga at mag-alaga ng asawa.

Si Mel, ang panganay na anak ni Tom ay mayroon nang kasintahan. Ang nakakagulat dito, nais ng mga asawa ni Tom na maging ika-pitong asawa ni Tom si Candice dahil na maayos na babae raw ito. Katunayan, nais ng mga asawa ni Tom na maayos ang isuot nito sa araw na bibisita si Candice.

Balak ni Tom na pakasalan si Candice pagpatak nito ng 17 kahit pa alam niya na iligal pa ito at di pa rin tanggap sa lugar nila sa Utah.

Tinawag niyang "plural family" ang kanilang sitwasyon kung saan sadyang marami ang asawa ng ama. Malawak naman daw ang pang-unawa ng kanyang mga anak kaya di siya nangangamba na di nila maunawaan ang ganitong sitwasyon.

Samantala, inulan ng matinding batikos ang kakaibang paniniwala na ito ni Tom at kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga nagngingitngit na reaksyon:

"he married the mother, than married the daughter and he has kids with both. that family tree is totally fu**** up!"
"Cult cult cult cult"
"Sick. Who ever supports this is wrong. It’s all about old farts getting young girls. I can’t stand this This is not acceptable and why they are not arrested like Jeffries is beyond me. Crazy people"
"This dude is now trying to creep on his sons crush?! Wow."
" I wouldn't be surprised if he plans on/ already is messing with his daughters"
" He married his mother in law?! And two sisters at the same time? And wants to marry someone he KNOWS his son is in love with.."
"OMG im just thinking of those poor little kids....."
"At this moment we found that kind of thinking. He needs to be in prison for 1000 years. Using the name of God, for his purposes. Increbible"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel