Great job! 15 Accomplished children of Filipino celebrities

Great job! 15 Accomplished children of Filipino celebrities

Sila ang mga anak ng mga kilalang mga Pinoy celebrities who are making their own names and have accomplished so much in life, stepping out from their famous parents' names.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

KAMI spotted the list, and we love to inspire our readers with stories like success and outstanding achievements such as these celebrity children.

Kaya narito na ang 15 sa mga anak ng kilalang mga celebrity parents at ang kani-kanilang mga success story at accomplishments.

1. KC Concepcion

Ang anak naman ng dating mag-asawang Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na si KC Concepcion ay isa ring immensely accomplished na babae.

Nagtapos umano siya ng degree sa International Corporate Communication with a minor in Theatre Arts sa American University of Paris.

Pagkatapos nito ay nagtrabaho siya full-time bilang isang aktres, TV host, at singer.

Ngayon, isa na siyang fine jewelry designer sa kanyang sariling brand ang Avec Moi, at siya rin ay isang ambassador ng World Food Programme.

2. Senator Grace Poe

Ang unica hija ng Hari at Reyna ng Pelikulang Pilipino na sina Fernando Poe Jr. at Susan Roces ay isa sa mga miyembro ng Philippine Senate mula noong 2013.

Siya rin ay naging isang chairwoman ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB mula 2010 hanggang 2012.

Nag-aral umano siya sa University of the Philippines, kung saan nag-major siya ng development studies.

Pero kalaunan ay lumipat umano sya sa Boston College sa Massachusetts sa Amerika at nagtapos ng degree sa political science.

3. Lovi Poe

Speaking of Poe, isa pang anak ni FPJ na successful din sa kanyang piniling karera, ang showbiz at fashion, ay si Lovi Poe.

Isa siyang award-winning dramatic actress at recording artist rin, at kinikilala rin bilang isang fashion icon.

Siya umano ang anak ng yumaong hari ng Philippine movies sa actress-model na si Rowena Moran.

Kumuha daw ng kurso ang Kapuso star sa International Academy of Managament and Economics sa Miriam College.

4. Dominique Cojuangco

Nagtapos ng degree sa fashion design ang unica hija ni Gretchen Barretto kay Tonyboy Cojuangco sa Istituto Marangoni sa London.

Inilaunch din umano niya ng kanyang koleksyon na tinawag daw na La Doña, at unti-unti umanong tinatayo ang kanyang fashion brand.

5. Jako de Leon

Ang isa sa mga anak na lalaki ni Eat Bulaga Henyo Master Joey de Leon kay Eileen Macapagal na si Jako de Leon ay nagtapos ng degree sa psychology sa Fordham University bago pumasok sa media production.

Member siya ng popular Vlog Squad at isa raw siyang online content creator.

6. Jocas de Leon

Ang panganay na babaeng anak naman ni Joey de Leon sa misis na si Eileen na si Jocas ay may bachelors at masters degree sa Economics mula sa Fordham University sa New York sa Amerika.

At may isa pa umano siyang masters degree sa Luxury Brand Management mula naman sa Regent's University London.

7. Jio de Leon

Ang pinakabatang anak na lalaki ni Henyo Master na si Jio de Leon naman ay nagtapos umano ng bachelors degree sa Cinema Studies mula sa New York University Tisch School of the Arts noong 2012.

At kasalukuyan daw nagsusulat ng mga movie reviews para sa isang kilalang local website.

8. Myki Manalo

Speaking of Eat Bulaga, isa pang dabarkads na may mga accomplished na mga anak ay si Jose Manalo.

At ang isa sa kanyang mga anak na si Myki Manalo ay isang resident doctor ng surgery department umano ng Capitol Medical Center, na una na naming ibinalita rito.

Nagtapos siya ng degress sa pyschology sa De La Salle University noong 2012, at sa kanyang medical degree naman noong 2016 sa Far Eastern University - Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation.

9. Janine Gutierrez

Ang panganay naman na anak ng dating mag-asawang sina Lotlot de Leon at Monching na si Janine Gutierrez ay isa na rin sa kilalang Kapuso stars.

Bukod sa pagiging aktres, TV host, at endorser, kilala rin siya bilang isang fashion icon model.

Nagtapos naman umano si Janine ng degree sa European Studies sa Ateneo de Manila University.

10. Luis Manzano

Ang anak naman ng dating mag-asawang sina Star For All Seasons Vilma Santos at Edu Manzano na si Luis Manzano ay nagtapos ng degree sa Hotel, Restaurant and Institution Management sa De La Salle-College of Saint Benilde.

At ngayon, isa sa award-winning TV hosts ng Kapamilya network.

11. Karylle

Ang panganay na anak naman ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla sa dating mister na si Dr. Modesto Tatlonghari ay isang accomplished woman din.

Si Karylle ay isa umanong valedictorian noong grade school niya sa O.B. Montessori Center – Greenhills at nagtapos ng B.S. Management major in Communications Technology Management sa Ateneo de Manila University noong 2002, kung saan isa rin siyang Dean's list.

Ngayon, happily married na ang singer at actress, at maraming followers sa Instagram.

Isa siya ngayon sa sikat na mga It's Showtime hosts sa ABS-CBN.

12. Iggy Boy Muhlach

Isang restaurant owner naman ang anak na lalaki ng dating magkasintahan na sina Janice de Belen at Aga Muhlach, pagkatapos umano kumuha ng kurso sa culinary arts.

Full support din naman ang kanyang parents sa opening nito.

13. Michele Gumabao

Ang Miss Globe Philippines 2018 na si Michele Gumabao ay ang anak ng aktor na si Dennis Roldan at modelo na si Loli Imperial.

Nanalo siya bilang Miss Social Media at Dream Girl sa katatapos lang na Miss Globe 2018 at nagtapos sa top 15.

Bukod pa rito, isa rin siyang multi-awarded volleyball champion at nagtapos ng Bachelor of Science major in Marketing Management mula sa De La Salle University.

14. Carla Abellana

Si Carla Abellan ay ang anak ng batikang aktor na si Rey "PJ" Abellana at Rea Reyes, at apo ni beteranong aktres na si Delia Razon.

Nagtapos ng cumlaude mula sa De La Salle University para sa kursong Bachelor of Arts in Psychology.

Ngayon, isa na siya sa award-winning Kapuso actress.

15. Teresita Ssen Winwyn Marquez

Ang anak na babae nina Joey Marquez at Alma Moreno na si Teresita Ssen Winwyn Marquez o mas kilala sa showbiz bilang si Winwyn Marquez ay ang kauna-unahang Pinay at Asian na sumali at inuwi ang titulong Reina Hispanoamericana 2017.

Bukod pa umano sa kanyang showbiz career, nagtapos ng Bachelor of Science in Business Administration si Winwyn sa San Beda College Alabang at nakuha rin niya umano ang Teachers Certificate mula sa Southville International School and Colleges.

Una naming nakita ang iilan sa listahan sa GMA News Online.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow Pinoys answering some tricky questions and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel