It's Over! 8 Celebrity couples who apparently called it quits this 2018

It's Over! 8 Celebrity couples who apparently called it quits this 2018

Sa pagtatapos ng taong 2018, marami-rami ding mga celebrity couples na tinapos na din umano ang kani-kanilang relasyon, ayon pa sa listahan na naispatan ng KAMI.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tila it's all over na nga daw ang tamis ng kanilang pagmamahalan sa isa't isa dahil they apparently called it quits bago pa man magtapos ang taong ito.

1. Julie Anne San Jose at Benjamin Alves

Ayon pa sa GMA News Online, kung saan una naming spotted ang naturang balitang ito, wala pa man daw kahit ano mang kumpirmasyon tungkol sa estado ng relasyon ng dalawa.

Pero, gayunpaman, marami daw ang naghihinala na naghiwalay ang dalawang Kapuso couple na sina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose dahil bukod pa daw sa pagpapagupit ng buhok ng actress/singer/performer/TV host na si Julie Anne, marami din umanong fans ang nagtaka sa pag-unfollow diumano ng isa't isa sa IG.

2. Sam Concepcion at Kiana Valenciano

Ang unica hija ni Pure Energy Gary Valenciano na si Kiana Valenciano ay hiwalay na din umano sa kapwa singer niyang si Sam Concepcion, ang ex naman ni Jasmine Curtis-Smith.

Umamin daw si Sam na naghiwalay sila ni Kiana matapos ang hight isang taon.

At wala naman umanong dahilan na ibinigay ang dalawa kung bakit raw nagtapos ang kanilang pag-iibigan.

3. Rhian Ramos at Jason Choachuy

Nilinaw daw ni Kapuso star Rhian Ramos ang pagtatapos ng kanilang relasyon ni Jason Choachuy noong Hulyo, ayon na rin sa balita.

Two and a half years raw nagtagal ang kanilang samahan at ito raw ay dahil gusto umano ni Rhian na mag-focus sa kanyang sarili.

4. Diego Loyzaga at Sofia Andres

Sa isang panayam umano kay Sofia Andres, sinabi raw ng Kapamilya actress na hindi daw talaga sila swak ni Diego Loyzaga.

Dugtong pa sa balita, naghiwalay raw ang real-life couple pagkatapos ng kanilang show.

5. Paul Salas at Barbie Imperial

Pinag-usapan din ang paghihiwalay ng magsing-irog na sina Paul Salas at Barbie Imperial dahil sa mga balitang akusasyon umano ng huli laban sa nauna diumano.

6. Arjo Atayde at Sammie Rimando

Inamin naman daw ng GirlTrends member na si Sammie Rimando ang paghihiwalay nina Arjo Atayde upang makapag-focus umano sa kani-kanilang mga karera.

7. Elmo Magalona at Janella Salvador

Isa pang pinag-usapan na hiwalayan ay ang kina ElNella na sina Elmo Magalona at Janella Salvador dahil sa isiniwalat ng huli tungkol sa nauna.

Ilang beses umano siya napagbuhatan ng kamay ng kanyang reel at real-life love pair at wala pa naman daw sinabi ang Kapamilya aktor tungkol rito.

8. Romnick Sarmenta at Harlene Bautista

Ang pinakamalaki na siguro na hiwalayan sa taong 2018 ay ang kina Halik actor Romnick Sarmenta at Harlene Bautista na nagsama ng 19 years bilang mag-asawa bago tuldokan ang kanilang relasyon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow Pinoys answering some tricky questions and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalake, pinatay ang buntis na asawa at 2 anak para makasama ang kabit

Lalake, pinatay ang buntis na asawa at 2 anak para makasama ang kabit

Tatay, pinatay ang buntis na asawa at 2 anak para makasama ang kabit
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel