Tony Labrusca, nagsalita na tungkol sa pagkakasuntok sa kaniya ng isang guard sa mall

Tony Labrusca, nagsalita na tungkol sa pagkakasuntok sa kaniya ng isang guard sa mall

- Nagkomento na si Tony Labrusca sa nangyari sa kaniya sa isang mall sa Batangas

- Matatandaang viral ngayon ang aktor dahil sa pagkakasuntok sa kaniya ng isang guwardiya

- Makikita pa sa video na talagang bumulagta sa Tony sa lakas ng suntok

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa wakas ay naglabas na ng pahayag ang aktor na si Tony Labrusca kaugnay sa viral na pagkakasuntok sa kaniya ng isang guwardiya sa mall.

Nalaman ng KAMI gamit ang video na inupload sa social media na bumulagta ang celebrity dahil sa malakas na suntok sa bandang dulo ng kaniyang mall show.

Nangyari ang viral na insidente noong December 8 sa Batangas na nagsimula matapos dumugin ng mga taga-suporta si Tony.

Nang mapansin nito na dumadami ang mga fans na lumalapit sa kaniya, agad siyang inalalayan upang makaalis agad sa venue.

Ngunit isang malakas na sapak mula sa isang guwardiya ang sumalubong sa kaniya dahilan upang sumubsob siya sa sahig.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang video:

Sa isang Twitter post, nagbigay naman ng mensahe ang aktor tungkol sa kalunos-lunos na nangyari sa kaniya.

Tinanggal din ni Tony ang pag aalala ng kaniyang mga taga-suporta sa pamamagitan ng paglilinaw sa tunay na nangyari.

Dito ay ipinaliwanag ng celebrity na hindi naman daw sinasadya ng guwardiya ang pagkakasuntok sa kaniya.

Nagbigay din siya ng update sa kasalukuyang kalagayan niya matapos salubungin ang malakas na sapak.

“Hey guys, I noticed a lot of you are worried about me getting punched in the face in my last mallshow,” pahayag ni Tony.

“I’m totally okay :) I know the guard didn’t mean it. Thanks to everyone for being so thoughtful!” dagdag pa niya.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, nailabas ang mga hinaing ng netizens tungkol sa viral na insidente kung saan sangkot si Tony.

Isinilang noong August 7, 1995, si Tony Labrusca ay isang aktor, model, at commercial endorser na sumabak din sa reality search na “Pinoy Boyband Superstar” ngunit hindi ito pinalad na makaabot sa grand finals.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version. Alex Gonzaga, what an amazing song you have come up with! We can only try to reach the stars with our low-budget versions. But we are doing our best! - on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Isabelle Daza, pinapayaman kada taon ang mga kasambahay

Isabelle Daza, pinapayaman kada taon ang mga kasambahay

Isabelle Daza, pinapayaman kada taon ang mga kasambahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel