"Hindi ako mawawala," pangako ng 1 lalaki sa kanyang fiancée na nasa ICU

"Hindi ako mawawala," pangako ng 1 lalaki sa kanyang fiancée na nasa ICU

-Ikakasal na sana ang magkasintahang Poly Jorge at Christine nang isang masaklap na pangyayari ang kinasangkutan ng huli

-Sa kasalukuyan, ay kritikal pa ang lagay ng babae

-Naudlot man ang kasal ng dalawa, nananatili naman sa tabi ng dalaga ang kanyang nobyo na nangakong hindi ito iiwan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Malapit ng ikasal ang magkasintahang Poly Jorge Magtubo at Christine Manansala nang masangkot ang huli sa isang malagim na aksidente.

Isa si Christine sa mga biktima ng aksidente sa Batangas noong December 3. Nagtamo ito ng matinding head injury at fracture sa braso.

"Since Monday [December 3], three days siyang hindi gising. Nu'ng last Thursday, nag-umpisa siyang magmulat pero halfway lang then Friday totally namulat mata niya kaso until now hindi pa rin siya nakaka-recognize ng mga command. Tulala lang siya." anito.

Sasailalim din ito sa isang operasyon upang malagyan ng tracheal tube.

Sa kasalukuyan ay hindi pa mabuti ang lagay ni Christine, ngunit hindi ito iniiwan ni Poly Jorge na nangakong hindi ito mawawala sa tabi ng nobya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Larawan ito ng wagas na pagmamahal at handang maghintay hanggang sa maging maayos na ang lagay ng minamahal.

Postpone ang kasal ng dalawa at nasabihan na nito ang lahata kaugnay sa pagbabago ng plano nila.

Nagamit na rin daw nito ang pera na para sana sa kanilang kasal sa pagpapagamot ni Christine.

Nagpakita naman ng positibongsenyales si Christine.

"Mula noong Friday ang objective namin maka-fully recover siya. Kapag may bumibista na kakilala o kaya ako, 'yung heart rate niya tumataas. So naniniwala kami na naririnig niya kami," ani Poly Jorge.

Kaya malaki ang pag-sa nito na bubuti na ang lagay nito. Ganunpaman, nangako itong hindi mawawal sa tabi ng kanyang minamahal.

"Sabi ko nandito lang ako," sinabi nito. "Kung di mo ako nakikita, nand'yan lang ako sa tabi mo. Hindi ako mawawala."

Source: ABS-CBN News

"Hindi ako mawawala," pangako ng 1 lalaki sa kanyang fiancée na nasa ICU

Photo source: ABS-CBN News
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this animation video by KAMI, we show the story of a woman who adopted a baby boy. As he grew up, he became more rebellious and wanted to meet his biological mother. In the end, he learned an important lesson on who his real mother is – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
4-anyos hindi pwedeng makita ng ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos hindi pwedeng makita ng ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel