Woman shares how God helped her through mental disorder

Woman shares how God helped her through mental disorder

-Hindi matatawaran ang pasasalamat ni Maur Angsioco Funtanilla sa Panginoon sa kabila ng dinanas na mental disorder

-Anito, sa kabila ng sakit, mas pinagtibay nito ang kanyang pananalig para sa may likha

-Ibinahagi rin nito ang mga pinagdaanan sa isang facebook post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang post sa social media, ipinahayag ni Maur Angsioco Funtanilla ang kanyang taimtim na pasasalamat sa Panginoon.

Dito ibinahagi niya ang kanyang mga pinagdaanan sa pagkakaroon ng Clinical Anxiety (or panic) Disorder with Agoraphobia.

Nagsimula ang lahat noong makaramadam siya ng matinding pananakit ng tiyan at panghihina ng katawan.

Sa kanyang mga laboratoty test, lahat ay negatibo ngunit naulit pa ito at mas tumindi pa ang kanyang mga nararamdamang sakit.

Kahit na labas-pasok na siya sa Emergency ay wala umanong makitang sakit sa kanya ang mga doktor.

Sa tulong ng mga panalangin, isang ideya ang dumating sa kanila. At kahit pa noong una ay labag sa kanyang kalooban, sinubukan nilang lumapit sa isang psychiatrist.

Nang ma-diagnose ito ng sakit nagsimula na ang kanyang mga pagbabago. At kahit na mahirap ang kanyang mga pinagdaanan ay nakita pa rin niya ang nais ng Panginoon para sa kanya.

Naniwala siyang ang lahat ng ito ay kaloob ng Maykapal at mayroong dahilan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod rito, mas lalo siyang naging mulat sa pagmamahal na kayang ibigay sa kanya ng nobyong si Paolo.

Mas pinagtibay ng kanyang sakit ang pagsasama nila sa kabila ng pagpostpone sa kanilang kasal.

Mas naging sabik sila sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa dahil mas pinatatag ng Pnaginoon ang kanilang paniniwala.

Patuloy ang kanyang paggaling sa tulong ng kanyang psychiatrist at higit sa lahat ng mga panalangin.

Pinayuhan rin niya ang mga katulad niya na dumaranas ng mental disorder na hindi dapat ito ikahiya kundi ituring na biyaya dahil siguradong may dahilan ang Panginoon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this animation video by KAMI, we show the story of a woman who adopted a baby boy. As he grew up, he became more rebellious and wanted to meet his biological mother. In the end, he learned an important lesson on who his real mother is – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong

Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong

Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel