16 anyos na binatilyo, patay nang makuryente gamit ang earphones ng naka-charge na cp

16 anyos na binatilyo, patay nang makuryente gamit ang earphones ng naka-charge na cp

- Isang Malaysian na binatilyo ang namatay nang makuryente ito sa earphones na gamit habang naka-charge ang cellphone

- Mismong ang ina ng binatilyo na si Mohd Aidi Azzhar Zahrin ang nakakita ritong wala nang buhay

- Maging ang kapatid ng binatilyo na sinubukang hawakang upang tanggalin ang charger at bahagyang nakuryente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mismong ang ina ni Mohd Aidi Azzhar Zahrin ang nakakita sa kanyang wala nang buhay sa kanilang tahanan sa Negeri Sembilan, Malaysia.

Ayon sa Inquirer, nakita pa umano ng ina ng 16 na taong gulang na binatilyo ang anak na kabulagta pa. Ito ay bago siya pumasok sa trabaho kaya inakala niyang tulog lamang ito.

Ngunit, laking gulat niya na pagkabalik mula trabaho ay di pa rin ito nagagalaw kaya naman dito na siya nangamba.

Sinubukan pa raw ng ina na gisingin ang inaakala niyang natutulog na anak, ngunit matigas na ito at malamig.

Sinabi rin sa New Straits Times noong Disyembre 5 na tumawag ka agad sa clinic ang ina at nagpadala naman ng maaring tumingin kay Zahrin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Wla naman daw nakitang ibang sugat ang bata maliban sa kanyang kaliwang tainga na dumudugo. Kinumpirma na namatay ito ilang oras bago ito matingnan.

Samantala, ang kapatid ni Zahrin ay bahagyang nakaramdam ng pagkakuryente nang sinubukan nitong tanggalin ang charger.

Dito tiningnan na ang anggulo ng pagkakuryente ng binatilyo na siyang lumabas din sa eksaminasyon ng katawan ni Zahrin.

Di naman na binaggit kung ano ang model ng gadget ngunit magsilbi na raw itong babala sa publiko na huwag gamitin ang gadget kung ito ay naka-charge.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated model na rin!

Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated Swimsuit model na rin!

Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated model na rin!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel