Alden Richards through the years! 9 Kapuso primetime series na bumida ang Pambansang Bae

Alden Richards through the years! 9 Kapuso primetime series na bumida ang Pambansang Bae

Spotted ng KAMI ang career milestones ni Alden Richards simula na nag-umpisa siya sa mundo ng showbiz.

Ibabahagi nami ang 9 Kapuso primetime series na bumida ang Pambansang Bae ng Eat Bulaga at ang kanyang mga recording albums, movies, at awards na pinanalunan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Alakdana

Bumida na agad si Alden Richards sa unang sabak umano niya sa telebisyon.

Ito ay sa Kapuso fantasy-horor-drama na pinamagatang Alakdana.

Kahit newcomer lang daw sa showbiz si Alden noon ay pinabilib na niya ang mga TV viewers at kritiko.

Sa katunayan ay nakatanggap siya ng award mula sa Golden Screen TV Awards bilang Outstanding Breakthrough Performance by an Actor noong 2011.

2. Tween Academy

Nakuha din ni Alden Richards ang maraming puso ng kababaihan nang ginampanan niya ang papel ng isang campus heartthrob na si Christian sa Tween Academy.

3. Carmela

Isa naman daw malaking pagkakataon ang muling naibigay sa Kapuso aktor na si Alden Richards nang makapares niya sa isang teleserye ang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Carmela.

4. Ilustrado

Gumanap rin si Alden Richards bilagn ang ating Pambansang Bayani sa epic documentary-drama na may pamagat na Ilustrado.

Sa angking galing niya sa pagbigay-buhay sa katauhan ni Jose Rizal ay nagbigay ng award sa kanya bilang Best Drama Actor mula sa 29th PMPC Star Awards for Television.

5. Encantadia

Sa 2016 franchise ng Kapuso fantaserye na Encantadia, naging Lakan si Pambansang Bae bilang Mulawin.

6. Destined To Be Yours

Bumida na naman si Pambansang Bae sa kauna-unahang teleserye nila ng kanyang partner sa AlDub loveteam na si Maine Mendoza sa teleserye na Destined To Be Yours.

7. Love is

Bumida rin si Alden Richards kasama ang phenomenal ka loveteam na si Maine Mendoza sa kauna-unahang telemovie ng Eat Bulaga ang Love is.

8. Alaala

Gumanap rin sa isang documentary ng GMA Public Affairs para sa Martial Law special umano na pamagat na Alaala bilang isang young activist na si Bonifacio Ilagan.

Sa kanyang magaling pag-arte sa naturang show, nanalo ang naturang dokumentaryo ng isang silver medal award mula sa 2018 New York Festivals.

9.Victor Magtanggol

At natupad naman daw ang pangarap ni Alden Richards bilang isang superhero sa Kapuso telefantasya na kakatapos lang ang Victor Magtanggol.

Bukod pa rito, nagkaroon din ng recording album si Alden at iba't ibang mga TV commercials at endorsements, at iba pang mga awards.

Una naming naispatan ang career milestones ni Alden Ricards sa GMA News Online.

Makikita si Alden Richards sa longtime running noontime show na Eat Bulaga.

POPULAR: Read more news about Alden Richards here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow Pinoys answering some tricky questions and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Girl from a viral video does 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel