Glowing bride! Kylie Padilla at Aljur Abrenica, ikinasal na

Glowing bride! Kylie Padilla at Aljur Abrenica, ikinasal na

- Ika pa nga sa sikat na salawikain, "Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy," at ito na nga ang nangyari kanina kina Kylie Padilla at Aljur Abrenica

- Sa tagal na pinagsamahan ng magkasintahan at long engagement ng mga magulang ni baby Alas, sa bandang huli ay humantong din sa wakas sa kasalan

- Ikinasal na nga ang magsing-irog na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica na may pa hashtag sa social media na #AljurKyliEpicAfter

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Parang si Mother Mary nga ang hitsura ng napakagandang bride na si Kylie Padilla at bongga na bongga ang kanyang entrace, ayon na rin sa video na naispatan ng KAMI.

Nag-isang dibdib na nga ang longtime engaged couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica kanina, December 11, 2018, Martes, sa Villa Milagros sa Rodriguez, Rizal, ayon pa sa PEP, kung saan una naming naispatan ang magandang balitang ito.

Isang Christian wedding umano ang nangyari at ito ay kasalukuyang nagaganap, as of writing ng orihinal na balita.

Agaw-pansin ang angking ganda ng Kapuso aktres habang naglalakad patungo sa altar suot-suot ang bridal gown na gawa daw ni Mak Tumang.

At walang tulak kabigian sa kagandahan ang beautiful bride na si Kylie sa kanyang off-shoulder wedding garb na mayroong sheer sleeves at lace details.

Ika pa ng make-up artist:

"Ung pa mama mary na siya"

Bumuhos naman ang samu't saring bati at reaksyon mula sa mga faney at netizens online.

"Wow beautiful!"
"Stunning bride"
"Beautiful bride. Congratulations."
"Omg! So magical talaga and so beautiful as always"
"Grabeng ganda"
"So stunning and gorgeous bride."
"Wow. Looks like Crazy Rich Asian lang ang dating. "
"Very romantic"

Congratulations to the newlyweds!

Noong January 24, 2017, inanunsyo ng Vidanes Celebrity Marketing sa kanilang Instagram page, ang talent agency na humahawak kay Kylie Padilla, ang engagement ng huli sa Kapamilya aktor at ama ng kanyang unico hijo na si Aljur Abrenica.

POPULAR: Read more news about Kylie Padilla and Aljur Abrenica here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow Pinoys answering some tricky questions and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
More victims of controversial chef surface, reveal lewd messages he sent to them

Controversial chef's victims surface, reveal nasty messages he sent to them

Controversial chef's victims surface, reveal nasty messages he sent to them
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel