Naguluhan na?! Nancy Binay, may gustong klaruhin sa listahan ni Paolo Duterte

Naguluhan na?! Nancy Binay, may gustong klaruhin sa listahan ni Paolo Duterte

- Ayon kay Senator Nancy Binay, tila may “misinformation” at “disinformation” daw ang listahan ni Paolo Duterte

- Kasama si dating Bise Presidente Jejomar Binay sa listahan diumano ng mga gustong patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte

- Nais namang klaruhin ni Nancy Binay kung saan nanggaling ang mga impormasyon ni Paolo Duterte

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maging si Senator Nancy Binay ay may bwelta sa listahan ni dating Vice Mayor ng Davao City na si Paolo "Pulong" Duterte ukol sa mga nais magpatalsik sa kanyang tatay na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nalaman ng KAMI na kasama ang tatay ng senadora na si dating Bise Presidente Jejomar Binay sa listahan. Giit naman ni Nancy ay tila may “misinformation” at “disinformation” daw sa listahan base sa report ng Rappler.

"The information was not accurate nor validated. It’s painfully evident that basic intel is lacking at present. The supposed list in connection with the alleged destabilization plot against the President reflects the sorry state of state intelligence, and the handicap of our intelligence and counterintelligence structures," giit ni Nancy.

"Clearly, meron misinformation and disinformation. Sa ibang bansa, accountability is a serious matter. Kung kaya, gusto namin malaman kung anong agency ang nagrelease ng intel para matingnan namin kung kailangan dagdagan ang kanilang budget to improve their infrastructure and logistics,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kasama rin sa listahan ni Duterte ang kompanya ng fast-food chain na Jollibee.

"Naaawa ako doon sa agency na nagbigay ng intel report kay vice mayor. Sa tingin ko, kailangan silang tulungan para mai-improve naman ang kanilang level of intel capabilities. Kapag kasama na si Jollibee, McDonald's at mutants sa destabilization plot, it's a cause for alarm. It means our country is already in grave danger," sabi ni Nancy.

Kaya naman, nais klaruhin ni Nancy kung sino raw ba talaga ang mga kasama sa listahan at kung saan nagmula ang mga impormasyong ikinalat ni Paolo.

“The awkward question: Ano ba talaga, kuya? Diliman ba o dilawan? Kasama nga ba si Jollibee, Ronald, Hetty, at Padawan?” tanong ni Nancy.

Samantala, una namang naibalita ng KAMI na tinawag ni Bise President Leni Robredo na “iresponsable” si Paolo Duterte dahil sa kanyang pagkalat ng “fake news”. Kasama rin kasi si Robredo sa listahan at kinilala bilang “leader of the united opposition”.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

KAMI received a message from a netizen seeking advice. She is in love with a married man twice her age, with 3 kids. He is ready to leave his wife for her. She doesn't know what to do in this situation. Check out our other awesome videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel