Tony Labrusca, bumulagta sa sahig matapos masuntok ng isang guwardiya sa mall

Tony Labrusca, bumulagta sa sahig matapos masuntok ng isang guwardiya sa mall

- Isang video sa social media ang nag viral dahil sa insidente na involved si Tony Labrusca

- Sa isang mall show kasi ay dinumog siya ng mga taga-suporta kaya lumayo ito

- Ngunit isang guard naman ang nakasuntok sa kaniya habang tumatakbo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral na ngayon ang video ng aktor na si Tony Labrusca matapos nitong humandusay sa sahig sa lakas ng pagkakasuntok ng isang guwardiya sa kaniya.

Nalaman ng KAMI na naganap ang insidente sa mall show ng nasabing celebrity para sa pelikulang “Glorious” na pinagbibidahan din ni Angel Aquino.

Ayon sa nag upload ng video sa Facebook, kinuyog daw ng mga fans si Tony pagkatapos lamang nitong mag perform sa isang mall sa Batangas.

Makikita sa footage na nakaputing shirt ang aktor at mahigpit ang pagkakayakap sa kaniya ng ilang taga-suporta kaya’y nagsilapit na din ang iba pang nanonood.

Nang mapansin na dumadami ang mga taong pumupunta sa kinaroroonan niya, nagmadali nang lumabas si Tony at isang assistant niya pa ang humila sa kaniya papalayo.

Ngunit hindi pa rin binibitawan ng mga fans ang kamay at damit ng aktor dahilan upang mainis ang isang guwardiya at manuntok ito.

Sa kasamaang palad ay hindi ang mga kumukuyog na mga tao ang natamaan ng guard kundi si Tony Labrusca na agad namang sumadsad sa sahig.

Dahil sa nangyari ay madaming netizens ang umalma at nagalit dahil sa inasal ng mga tao pati na rin ang aksidenteng panununtok ng guwardiya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Kung naging maayos lang naman kasi yung mga fans hindi aabot sa ganun… May humablot sa neckline ng damit ni tony kaya siguro when kuya guard is about to help him, hindi sadyang napatama sa muka nya.”

“Grabe namang mga fans to, gusto ata magpa-glorious.”

“Hala! Grabe naman kasi mga tao. Nakikiusap na nga iyung baklang host na padaanin pero talagang nagbabalyahan. Kawawa rin mga guards kagabi diyan.”

“Yung iba exaggerated na masyado pag nakakita ng artista. Saka bkit nasapak? Ibig sabihin may ibang sasapakin sana ung guard? Kasi si Tony tinamaan.”

Narito ang video ng insidente:

Sa nakaraang ulat ng KAMI, nagpahayag ng side ang partner niya sa pelikula na si Angel tungkol sa trending na kissing scene nila.

Si Tony Labrusca, o Anthony Angel Jones Labrusca sa totoong buhay, ay isinilang noong August 7, 1995 sa Houston, Texas. Sumikta siya nang ma-feature sa McDonalds TV advertisement noong 2016.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version. Alex Gonzaga, what an amazing song you have come up with! We can only try to reach the stars with our low-budget versions. But we are doing our best! - on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel