Binatilyo, aksidenteng nabaril ang 7 anyos na pinsan gamit di umano ang napulot na baril

Binatilyo, aksidenteng nabaril ang 7 anyos na pinsan gamit di umano ang napulot na baril

- Aksidenteng nabaril ng 17 taong gulang na suspek ang pinsan nito ng baril na napulot lang umano niya

- Tinamaan sa may pigi o puwetan ang bata na nagpapagaling na sa ospital

- Kakasuhan ang suspek ng illegal possession of firearms

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di raw sinasadya at pinaglalaruan lang di umano ng suspek ang kalibre trenta'y otso na di raw sinasadyang maiputok sa kanyang 7 taong gulang na pinsan sa Pasay city.

Ayon sa GMA news, tinamaan ang walang kamalaymalay na biktima sa kanyang puwetan.

"Nu'ng marinig kong may pumutok at biglang lumapit sa akin 'yung pamangkin kong pitong taon sabi niya, 'Tita, isang masakit po. Mainit.' Sabi ko, ano 'yun? Nagdurugo. Tinignan ko, may butas sa kanang puwet niya,” salaysay ng tiyahin ng biktima.

Napansin din nilang hawak ng bata ang kanyang tainga nang bigla na lamang itong bumulagta at nawalan ng malay.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima at mabuti na lamang na di naging kritikal ang lagay nito.

Samantala, paliwanag ng suspek, napulot lamang niya ang baril na di naman pinaniwalaan ng awtoridad.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa kanila, kung talagang napulot ang baril, sana'y dinala agad ito sa pulisya at bakit kinailangan pa niya itong papatukin.

"Kasi unang una, papano siya nakahawak ng 38 tapos nasabi niya napulot. Kung napulot niya 'yun, isinurrender niya [dapat sa pulis]. Bakit niya dinala? Puwede rin niya gamitin pang-holdap 'yun eh," paliwanag ni Kagawad Teddy Rosales ng Brgy. 184 ng Pasay.

Napag-alaman na marami na palang record ang lalaking ito sa pulisya at di lang isa.

“Marami na siyang record. Noong 2016 at 2017, nasangkot na itong bata na ito sa mga iba pang mga gulo at iba pang krimen: theft, droga...kaya tinitignan din namin 'yung anggulo na napulot lang niya yung baril,” ayon kay P/Supt. Noel Flores, hepe ng Pasay police.

Nahaharap ito sa kasong illegal possession of firearms.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel