Pinay nurse, 1 sa mga nag-alaga at napalapit kay dating US Pres. George H.W. Bush

Pinay nurse, 1 sa mga nag-alaga at napalapit kay dating US Pres. George H.W. Bush

-Isa si Vilma Saldivar sa mga nurses na nag-alaga sa yumaong dating presidente ng United States na si George H. W Bush

-Tubong Mountain Province si Saldivar

-Ibinahagi nito ang 'di malilimutang karanasan sa yumaong Bush

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang malaki at malungkot na balita ang pagkamatay ng isa sa mga dating presidente ng United States na si George H. W Bush.

Ngunit bukod rito, naging usap-usapan rin sa bansa ang isa sa mga nurse nito na Pilipino daw.

Sa programang State of the Nation, nagkaroon ng pagkakataong makilala ang nurse na ito.

Si Vilma Saldivar, tubong Mountain Province.

Ayon sa ulat, halos pitong taong naalagaan ni Saldivar ang mga Bush tuwing ma-admit sa ospital sa Houston sa Texas.

Noong una raw ay nangamba siya ngunit mainit siyang tinaggap ng mga Bush at kalaunan ay napamahal na rin sa Pamilya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Taliwas sa unang napalita na private nurse siya ng mga Bush, nilinaw niyang isa lamang siyang regular nurse sa ospital.

Isa sa mga 'di daw malilimutang alaala niya sa yumaong Bush ay noong ita-trasfer niya ito sa ICU. Kwento nito, kahit na raw nanghihina na ito ay nakikipagbiruan pa.

Kilalang-kilala raw nito maski ang boses niya kahit na mahina na ang memory nito na siyang tumatak sa kanyang puso.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel