Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

- May babala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga tumatakbo para sa halalan 2019

- Giit niya, hindi raw dapat manakot ang mga kandidato ng mga botante

- Tila hindi rin nakalusot ang pulisya at mga sundalo sa babala ni Pangulong Duterte

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbigay ng bababala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kumakandidato para sa darating na eleksyon sa 2019. Nalaman ng KAMI na maging ang pulisya ay nakatanggap din ng babala mula sa Pangulo base sa report ng ABS-CBN News.

Ayon kay Pangulong Duterte, huwag na huwag daw mananakot ang mga kandidato ng mga botante. Kapag nilabag daw nila ito ay siya mismo ang pupunta sa kandidato.

“[Maski] kasama kita sa gobyerno o kasama kita sa partido o kalaban kita sa pulitika, do not terrorize. Do not intimidate, do not create fear in the voters. ‘Pag ginawa niyo ‘yan, ako mismo ang pupunta doon at ako mismo ang mag-aresto sa iyo,” giit ng Pangulo.

Tila hindi rin nakalusot kay Pangulong Duterte ang mga pulis at sundalo.

“Either for or against my party, huwag kayong makielam. ‘Wag kayong magkampanya and do not favour any candidate. That’s all. That is the mandate of the Constitution and we will stick by it,” dagdag ni Pangulong Duterte.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa report ng CNN Philippines ay gaganapin ang eleksyon sa May 13, 2019. Ang simula naman ng kampanya ay February 12 hanggang May 11.

Dating naiulat ng KAMI na umabot sa 152 ang nag-file ng kanilang certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec) upang tumakbo sa pagka-senador. Samatala, 185 party-lists naman ang naitalang naghain ng kanilang certificate of nomination and acceptance.

POPULAR: Read more news about President Rodrigo Duterte!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

KAMI received a message from a netizen seeking advice. She is in love with a married man twice her age, with 3 kids. He is ready to leave his wife for her. She doesn't know what to do in this situation. Check out our other awesome videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel