Graduating student, inaming dating nakulong at lider ng gang

Graduating student, inaming dating nakulong at lider ng gang

-Sa isang facebook post ipinahayag ni David Dagza Reyes ang kanyang naging buhay noon bago siya magtapos

-Graduating student si Reyes na taos-puso niyang ipinagpasalamat kahit pa hindi maganda ang kanyang naging nakaraan

-Sa post inamin niya ang mga masasamang gawaing nagawa niya bago napagdesisyunang magbago

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Graduating na si David Dagza Reyes kung kaya naman lubos ang kanyang pasasalamat dahil sa kabila ng mga pangit na pinagdaanan ay may mga tao pa ring nagtiwala sa kanya.

Sa kanyang facebook post, ibinahagi niya ang kanyang naging karanasan bago niya nakamit bang pagbabagong-buhay.

Ayon kay Reyes, dati siyang mahilig sa gulo. Wala na rin daw eskwelahang tumatanggap sa kanya kung kaya naman naging out of school youth na lang siya.

Nalulong din daw siya sa mga bisyo at kabi-kabilang gulo ang kinasasangkutan nito. Isa siyang lider ng isang gang kaya palaging present sa away.

Labas-masok na rin siya sa kulungan hanggang sa tuluyan nang pumasok sa loob.

Sa loob ng kulungan, ninais na daw niyang wakasan ang kanyang sariling buhay dahil naramdamang tila wala na siyang kahahantungan pa.

Ngunit, iba raw ang plano sa kanya ng panginoon. Sa loob niya na rin natutunan ang mga bagay na dapat ay matagal na niyang natutunan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ipinagdasal niya ang sarili, para makapagbago at makapagsimula.

Sumapit ang araw ng kanyang kalayaan, doon nagsimula ang kanyang pagbabagong-buhay.

Katulong ang magulang, pinili niyang mag0aral muli. Ito ang magiging sandata niya para sa kanyang kinabukasan.

Sa kanyang post, pinasalamatan niya ang mga taong naging parte ng kanyang pagbabago. Mula sa kanyang pamilya, kaibigan, guro at kaklase.

Payo ni Reyes sa mga katulad niya, 'wag panghinaan ng loob dahil may pag-asa ang bawat isa. Huwag ring makalimot sa Diyos na siyang gagabay sa lahat.

Mula sa KAMI, binabati ka namin sa iyong tagumpay!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

KAMI received a message from a netizen seeking advice. She is in love with a married man twice her age, with 3 kids. He is ready to leave his wife for her. She doesn't know what to do in this situation. Check out our other awesome videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Filipino celebrity couples and their adopted children

5 Filipino celebrity couples and their adopted children

5 Filipino celebrity couples and their adopted children
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel