Kim Chiu, umamin na nakaranas ng 'one-sided love'

Kim Chiu, umamin na nakaranas ng 'one-sided love'

- Inamin ng isa sa mga co-hosts ng Pinoy Big Brother Otso na si Kim Chiu ang kanyang karanasan sa 'one-sided love'

- Nangyari ang kanyang pag-amin sa press conference ng kanyang upcoming film na One Great Love

- At dito, game na game naman si Chinita Princess na sumagto sa mga katanungan ng press at isa nga rito ay ang naturang klaseng pag-ibig at great love

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Game na game na sumagot si Chinita Princess Kim Chiu sa mga katanungan ng entertainment reporters sa press conference para sa kanyang upcoming Metro Manila Film Feast entry na One Great Love.

Spotted ng KAMI ang naturang trending video, kung saan ang isa sa mga tanong ay tungkol sa 'one-sided love.'

Napa hot seat bigla si Kim Chiu ng tanungin tungkol sa naturang klaseng pag-ibig at sinagot naman ito ng Kapamilya aktres may kaunting pagpapatawa.

Ani pa ni Kim:

"Lahat naman tayo napupunta sa one-sided love. Siguro na-experience ko 'yon for a time—pero bumitaw na din ako!"

Dagdag pa ng Kapamilya star:

"Pag one-sided, hindi na dapat kinakapitan. Dapat bumitaw ka na rin tapos kumapit na sa iba!"

At napahugot bigla nang pag-usapan ang great love.

Saad pa niya:

"Sa love, doon mo mararamdaman ang happiness, yung sadness, yung kilig. Kasi sa love, apat na letra lang 'yan pero ang daming natatamaan, sa isip, sa puso, sa kung ano ang ginagawa, sa salita, at sa gawa. Love is a very universal language. It can express happiness, it can express sadness, pero ang usapang great love iba na po talaga 'yon."

Sa mga tao namang na dumadanas ng one-sided love, may pa love advice si Kimmy.

Sambit niya:

"Marami namang lalaki sa mundo, parang huwag kang manatili sa isang love na hindi naman binabalik sa'yo. Dapat ibalik sa'yo kaya dun pumapasok yung true love kasi nag-co-compromise kayo sa isa’t isa."

Una naming naispatan ang naturang pag-amin ni Chinita Princess sa cosmo.ph.

Kamakailan lang ay inamin ni Kim Chiu ang kanilang relasyon ng ka loveteam na si Xian Lim.

Si Kim Chiu ay unang nakilala at sumikat sa Pinoy Big Brother: Teen Edition kasama ang dating ka loveteam na si Gerald Anderson.

POPULAR: Read more news about Kim Chiu here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow Pinoys answering some tricky questions and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel