Mag-iingat! Ilang motorista, nabiktima ng mga nanlilimos na namamato ng asido

Mag-iingat! Ilang motorista, nabiktima ng mga nanlilimos na namamato ng asido

- May modus na namang kumakalat sa Maynila ngayon

- Ito raw ay ang sapilitang paglilinis ng mga sasakyan at mamamalimos

- Minsan nga raw ay namamato ang mga namamalimos ng asido kapag hindi nabibigyan ng pera o limos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ilang mga motorista ang nabiktima ng mga batang namamalimos sa kahabaan ng trapik sa V. Mapa Street sa Maynila. Nalaman ng KAMI ay namamato raw ng asido ang mga ito kapag hindi nabigyan ng limos o pera.

Ayon sa balita ng Balitanghali sa GMA News, kalat sa social media ang video ng mga batang pilit nililinis ang windshield ng sasakyan sa kalagitnaan ng traffic, saka naman hihingi ng limos ang mga ito.

Sabi ng uploader na si Cliff Aparicio ay kahit binuksan niya ‘yung wiper ay hindi pa rin daw tumitigil ang mga ito.

Kita rin ang mga batang namamalimos sa isang taxi. Nang hindi sila binigyang limos ay sinipa pa ng isa ang taxi at tila may kinuha ang isa sa center island at saka ibinato ito sa taxi.

Giit ng awtoridad, matagal na raw nauuso ang modus na ito, maging ang pambubuhos ng asido sa mga sasakyan na hindi nagbibigay ng limos o ang pag-iiwan ng scratch o galos sa mga sasakyan.

“Kung ‘di mo bigyan, iniiscratch yung sasakyan,” giit ni Superintendent Ruben Ramos.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dagdag pa ni Ramos ay may ginagawang aksyon naman ang pulisya rito. Pinapa-uwi raw nila ang mga ta o kaya minsan ay dinadala raw sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Bagamat wala naman daw naghahain ng reklamo sakanila ukol sa mga ganitong insidente ay pinag-iingat pa rin ng pulisya ang mga motorista sa ganitong mga pangyayari lalo na ngayong panahon ng Pasko.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

KAMI received a message from a netizen seeking advice. She is in love with a married man twice her age, with 3 kids. He is ready to leave his wife for her. She doesn't know what to do in this situation. Check out our other awesome videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel