Nurse, nakikita raw ang mga 'sundo' ng mga pasyenteng malapit nang mamatay

Nurse, nakikita raw ang mga 'sundo' ng mga pasyenteng malapit nang mamatay

- Isang nurse ang nakakakita raw ng mga 'sundo' ng mga pasyenteng malapit nang tumawid sa kabilang buhay

- Aakalain mo raw na ordinaryong tao ito o di kaya ay mukha lang itong kamag-anak ng pasyente

- Minsan pa nga raw, nakita niya kung paano nag-ikot pa ang kaluluwa ng pasyente sa ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bata pa lang ang nurse na si Christian Ronquillo ay nakakakita na raw siya ng iba't ibang espiritu.

Nagsimula raw ang pangitain na ito nang minsang maglaro sila ng taguan ng kanyang mga kalaro. Nagtaka ang mga kalaro niya bakit aiba ang direksyon ng kanyang pinupuntahan na tila may sinusundan siya.

Kwento pa niya sa panayam sa kanyan ng programang AHA, noong siya ay high school naman, bago umuwi, naisipan niyang manalamin. Bago pa bumitaw ang kanyang tingin sa salamin, bigla na lamang lumitaw ang isang babaeng nakaitim na di na gumagalaw.

Bago raw siya tuluyang makapasok sa kanilang bahay, nakita niya muli ang babaeng maitim at nakaitim.

At ngayong ganap na nurse na siya, mas matitindi ang kanyang nararanasan sa ospital. Isang di niya malilimutang insidente ay ang minsang maidlip siya at may bumulong sa kanya na tingnan ang swero ng kanyang pasyente na paubos na.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Minsan naman daw bigla na lamang umiiwas habang naglalakad si Christian na kinagugulat ng kanyang mga kasama. Iyon pala, may sadyang sumasalubong sa kanya na kaluluwa.

Matagal na nadestino sa ICU si Christian at dito niya madalas makita ang sundo ng mga pasyenteng nag-aagaw buhay na. Lalaking nakaitim daw ang madalas na nakikita niyang sumusundo.

Madalas daw niya itong makita sa likod ng pasyente. Minsan pa raw kahit tulog na siya nakakarinig siya ng bulong 'sundo' na sinasabing susunduin na niya ang kanyang pasyente.

May nasabihan nga siya minsan upang bigyang babala ang pasyente. Naging stable din ang pasyente ngunit kalaunan ay pumanaw din.

Di lang sa trabaho ito nangyayari kay Christian. Minsan na niyang napanaginipan ang sundo ng kanyang lolo at lola. At nang makarating sa lugar ng kanyang lola, sa kusina, inatake na ito sa puso.

Limang araw naman bago nasawi ang kanyang lolo tila nagawa pang tumambay ng sundo nito sa kwarto ni Christian. Maging ang kanyang mga pinsan ay may mga kakaibang nararamdaman sa tapat ng kwarto nito.

Ang pinakamatindi, nakita pa niya mismo na bumalik ang kaluluwa ng pasyente sa nasawi.

Ayon sa paranormal expert, maari naman daw na totoo ang nararanasan ni Christian lalo pa at ospital ang lugar ng kanyang trabaho. Sa ospital daw kasi mas maraming kaluluwang ligaw kumpara sa sementeryo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Taong lumot" sa ilalim ng tulay, nanggagambala umano sa mga tao roon

"Taong lumot" sa ilalim ng tulay, nanggagambala umano sa mga tao roon

"Taong lumot" sa ilalim ng tulay, nanggagambala umano sa mga tao roon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel