Aso, isang buwang nagbantay sa tinitrikan ng bahay nilang nasunog na

Aso, isang buwang nagbantay sa tinitrikan ng bahay nilang nasunog na

- Isang aso ang matiyagang nagbantay pa rin sa tinirikan ng kanilang bahay kahit pa ito ay nasunog na

- Nakaligtas umano ang aso sa California wildfire, at nang binalikan ng amo ang tahanan nilang nasunog, naroon pa rin ang aso na sumalubong sa kanila

- Nakilala ang aso na si Madison, na emosyonal na lumapit sa kanyang amo sa kanilang muling pagkikita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa pinakamapinsalang sunog sa Amerika ang California Wildfire. Ngunit sa kabila ng tindi pangyayaring ito, nanatiling naghihintay ang asong si Madison at binabantayan ang nasunog na nilang bahay.

Umabot sa 85 ang nasawi sa naturang sunog habang ang iba naman ay nagsilikas at naiwan ang mga alagang hayop.

Ayon sa 9gag, nakita ng mga volunteer ang asong si Madison na matiyagang binabantayan ang kanilang lugar kahit pa wala na ang bahay na nakatirik dito.

Tinatayang umabot na ng isang buwan ang pagbabantay at paghihintay ng aso sa kanyang tinuring na tahanan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa pahayag ng rescue volunteer na si Shayla Sullivan, una nilang na-rescue ang isa pang aso na si Miguel na aso rin ng amo ni Madison. Ayaw raw kasing umalis ni Madison sa lugar na iyon kaya naman pinakain na lamang nila ito at pinainom.

Nang nakilala ng volunteer si Andrea Gaylord, binigyan niya ito damit na maaring maamoy ng aso upang di ito mawalan ng pag-asa na makakasama pa rin niya ang kanyang mga amo.

Nang pinayagan na si Andrea, amo ni Madison na bumalik mismo sa lugar upang personal na sunduin ang alaga na nanatiling matapat sa kanila.

Di naiwasang maging emosyonal ng amo dahil sa pinakitang katapatan ni Madison na sa kabila ng trahedya ay nanatili pa rin sa kanilang lugar para parin sa kanyang tungkulin.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking walang mga kamay at paa, maayos na nagtatrabaho at bumubuhay sa 4 na mga anak

Lalaking walang mga kamay at paa, nagtatrabaho at bumubuhay sa 4 na mga anak

Lalaking walang mga kamay at paa, maayos na nagtatrabaho at bumubuhay sa 4 na mga anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel