Pagkasawi ng magkasintahang riders, nag-iwan ng mahalagang mensahe tungkol sa 'helmet'

Pagkasawi ng magkasintahang riders, nag-iwan ng mahalagang mensahe tungkol sa 'helmet'

- Nasawi nang di inaasahan ang magkasintahang riders na kasama sa touring group

- Bagaman at malinaw na biktima ang dalawa ng 'wrong lane' na sinakop ng sumagasa sa kanila, tinitingnan din ang anggulo ng paggamit ng magandang klase ng helmet

- Magsilbi raw aral ang sinapit ng magkasintahan sa iba pang mga may motor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nauwi sa trahedya ang sana ay pantanggal stress na biyahe ng isang touring group noong Disyembre 2.

Ang dalawa sa mga kasama nila patungo sana sa Sibadan Fish Cage sa Hinatuan Surigao ay nasawi dahil sa aksidente dahil sa pagsakop ng kasalubong nilang sasakyan sa kanila na nasa taang lane.

Sinalaysay sa Facebook page na Wall of Remembrance ang sinapit ng magkasintahang sina Mac at Liezl na kasama sa touring group ng mga motorcycle riders.

Ayon sa salaysay, bilang si Liezl lang ang babae na kasama sa biyaheng iyon, ito pa ang namuno ng pagdarasal ng grupo para sa naturang biyahe.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang tinatahak na nila ang Nabunturan na marami raw kurba, napansin ng nagsasalaysay na parang may kulang na sa kanyang mga kasama nang tumingin ito sa side mirror.

Maya maya pa, isa sa kanilang mga kasama ang nagsabi na kailangan nilang bumalik para hanapin ang mga kasamang nawawala na sa linya ng biyahe at ito ay ang magkasintahang sina Macmac at Liezl.

Nakita nilang nakahandusay na ang magkasintahan sa daan kung saan tumatagas na rin ang dugo nila. Basag ang helmet ni Macmac habang wala nang helmet si Liezl na kung tutuusin ay naka-full gear naman para sa biyahe.

Sinubukan pa nilang isalba ang buhay ng dalawa ngunit tila oras na talaga ng mga ito.

Napag-alamang isang sasakyan ang sumalubong sa linya ng magkasintahan at sumagasa sa kanila. Di na raw nakaiwas si Macmac dahil sila ang nasa tamang lane kaya wala na itong nagawa.

Di man daw kadugo ng nagsalaysay ang dalawa ngunit di niya naiwasang maging emosyonal dahil sa mabubuting tao ang nawala.

Ngunit nag-iwan ng makabuluhang aral ang pagkasawi ng magkasintahan sa kapwa nila rider, at ito ay ang pag-i-invest sa maganda na rin uri ng protective gear lalo na ng helmet. Kung talaga namang desidido ang tao na maging motorcycle rider, dapat lamang daw na paglaanan din ang magandang uri ng helmet. Marahil, kung may maayos na proteksyon ang dalawa, naisalba pa ang kanilang buhay.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos hindi pwedeng makita ng ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel