English only prank? Mga tiga-Siargao, nagulat sa dayuhang nagbibisaya

English only prank? Mga tiga-Siargao, nagulat sa dayuhang nagbibisaya

-Nagulat at natawa na lamang ang ilang mamamayan ng Siargao nang ma-prank ng isang dayuhan

-Sa una kasi ay nagpanggap ang dayuhan na hindi siya nakapagsasalita ng ibang lengwahe maliban sa English

-Ngunit sa huli ay gugulatin niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga ito sa bisaya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Youtuber na dayuhan ang ginulat at iniwang manghang-mangha ang ilang mamamayan sa Siargao.

Sa kanyang Youtube channel, madalas nang gawin ni Dwaine Woolley ang English only prank sa mga Pinoy.

Dayuhan ito na nakapag-asawa ng Pilipina kung kaya naman natutunan na rin niya ang Tagalog at maging ang salitang Bisaya.

Patok na patok ito dahil umabot ang views ng naturang video sa Siargao sa mahigit isang milyon.

Sa una ay magpapanggap siya na hindi nakakaintindi ng ibang lengwahe maliban sa English. At siyempre, dahil kilala ang mga Pilipino bilang matulungin, kahit minsan ay hirap, sinusubukang sumagot din ng English.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit magugulat na lamang sila at ang iba ay mamamangha kapag narinig na ang pagsasalita ni Dwaine ng Tagalog.

Marami sa mga netizens ang humanga kay Dwaine dahil sa galing nito sa pagbibisaya. Mukhang natutunan na nitong mahalin ang lenggwahe ng kanyang asawa.

Ngunit marami din ang humanga sa galing at talino ng mga Pinoy dahil na rin sa mahusay na pag-intindi sa English kahit pa nga kung minsan ay hirap tayo magsalita nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Fishball vendor, proud na makapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo

Ang galing! Fishball vendor, nakapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo

Ang galing! Fishball vendor, nakapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel