Busy umano ang mga anak, lola naghugas ng pinagkainan habang naka-confine

Busy umano ang mga anak, lola naghugas ng pinagkainan habang naka-confine

-Sa isang viral post mula sa isang netizen, isang lola na kagagaling lang umano sa isang operasyon ang nakunang naghuhugas ng pinagkainan

-Busy daw kasi ang mga anak nito kung kaya ito na ang gumawa ng gawain

-Sa post, sinabi ng uploader na maging paalala umano ito para sa mga anak na katulad niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa na namang viral post sa facebook ang muling dumurog sa puso ng mga netizen. Isang lolang naka-hospital gown ang na-spot-an na naghuhugas ng kanyang pinagkainan.

Ayon sa uploader na si Enji Montero, kahit hindi pa maayos ang pagkakatali ng hospital gown ng matanda ay naghuhugas ito ng pinagkainan nito na siyang umagaw umano sa kanyang pansin.

Anito, nang lapitan niya ito upang tulungan ay tumanggi ito sa tulong niya at sinabing sanay daw itong mag-isa.

Sinabi rin nito sa caption na tinanong niya ito kung bakit ito ang naghuhugas ng pinagkainan nito, sumagot daw ito na busy kasi ang mga anak nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ding kagagaling lamang ng matanda sa isang operasyon sa mata. Ngunit malabo pa rin naman daw ang paningin nito.

Kwento ng uploader, nadurog daw ang kanyang puso dahil sa naging engkwentro niya sa matanda.

Ibinahagi rin nito ang paalala daw nito para sa sarili na kahit gaano pa siya kaabala ay dapat na maglaan siya ng oras para sa mga magulang na pinagkakautangan niya ng kanyang buhay.

Nawa'y magsilbi itong paalala para sa ating lahat na habang tumatanda tayo ay umiiksi naman ang oras natin para makasama ang ating mga magulang.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dalagitang malaki ang pinayat, ginawang inspirasyon ang dating sarili

Dalagitang malaki ang pinayat, ginawang inspirasyon ang dating sarili

Dalagitang malaki ang pinayat, ginawang inspirasyon ang dating sarili
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel