Video ng isang cabin crew na ginawang sayaw ang pagbibigay ng safety rules sa eroplano, nag-viral

Video ng isang cabin crew na ginawang sayaw ang pagbibigay ng safety rules sa eroplano, nag-viral

- Agaw eksena ngayon sa socmed ang nakakatuwang video ng cabin crew ng isang airlines na nagbigay ng safety rules sa pamamagitan ng isang sayaw

- Laking gulat ng mga pasahero sa ginawa na ito ng cabin crew dahil sa inaasahan nilang isang boring na safety rules ang kanilang masasaksihan

- Nilarawan ng pasahero na sakay ng eroplano na nagbahagi ng video na “unforgettable moment” daw ito para sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng netizen na si Bethany Joy Brenes na noo’y sakay ng SouthWest flight mula Chicago patungong Omaha, Nebraska ang video ng nilarawan niyang “unforgettable moment”niya sa flight.

Ayon sa Yahoo news, natuwa raw ang mga askay ng naturang flight nang bigla na lamang gainawang sayaw ng isang lalaking cabin crew ang pagbibigay ng safety rules sa eroplano.

Bago niya ito gawin, may kanya-kanyang ginagawa ang mga tao sa loob ng eroplano. Maging ang mga kapwa niya cabin crew ay nag-uusap usaop. Ngunit nang pumasok na ang lalaki, napatigil pansumandali ang lahat at nang magsimula na itong magsayaw para ibigay ang safety rules, nagpulaghakan na ang mga tao sa kakatawa.

Inspired daw sa night club ang naturang sayaw kaya naman nagmistulang dance floor ang aisle at naging pole ang galley.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tuwang tuwa ang mga pasahero dahil laking gulat nila sa kakaibang paghahayag ng safety rules ang kanilang nasaksihan.

Kadalasan daw kasi, boring o walang buhay na basta lamang nagbibigay ng leksyon ang panimulang bahagi ng ito ng isang flight kaya naman para sa kanila, epektibo ang ginawa na ito ng naturang airlines.

Katunayan, ayon mismo kay Bethany, ito pa lang ang unang beses na tumutok siya at nakinig sa pagbibigay ng safety rules sa isang flight.

Labis na nag-enjoy ang mga sakay di lamang sa bahaging ito ngunit sa kabuuan ng kanilang biyahe.

Sana raw, dumami ang flight attendants na kagaya ng kanilang nasaksihan nang sa gayon ay maging kasiya-siya naman sa tuwing sila ay bibiyahe.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel