Sekyu sa Mcdo, 'di tinaboy at isinabay sa pagkain ang 2 palaboy

Sekyu sa Mcdo, 'di tinaboy at isinabay sa pagkain ang 2 palaboy

-Sa isang viral post ng netizen, bilib ito sa isang security guard na umagaw sa kanyang pansin

-Anito, inilibre nito ang dalawang batang palaboy tsaka sinabayang kumain

-Kahit pa madalas na ang trabaho nila ay magtaboy ng mga palaboy sa kanilang binabantayang establisyimento

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Humanga ang netizen na si Jhanna Tiemsin sa isang security guard na kanyang na-spot-an sa isang branch ng McDonalds sa Malolos, Bulacan.

Kasalukuyang customer din si Tiemsin doon at nagawa niyang kunan ng litrato ang eksena.

Ayon dito, inilibre ng sekyu ang dalawang batang palaboy tsaka sinabayan itong kumain. Makikita rin sa isang kuha na itinuturo at tila pinapaubos pa nito ang ice cream sa isa.

Kahit na kasama minsan sa kanilang trabaho ang itaboy ang batang kalye sa mga establisyementong binabantayan, tila ang sekyu na ito ay may malambot na puso para sa mga batang katulad nila.

Ayon sa caption ni Tiemsin:

"Bait nung Guard na'to sa Mcdo ng Malolos Bayan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Walang kaarte arteng nilibre at isinabay na kumain ang mga batang kalye

Maagang Pamasko re ni Kuya sa dalawang bataaa

Sana yung mga may kaya sa buhay, di nagsasayang ng Pagkain. Kasi yung iba kailangan pang manghingi o mamalimos o di kaya minsan maghintay ng tira tira ng kapwa nila, makakain lang

Sana tularan natin si Manong Sekyu"

Ilang netizens din ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa sekyu:

Rhose Espiritu: "Ganyan sana samga fast food,, yung iba kasing guard sa fast food d pinapapasok yung mga namamalimos na bata o matanda,,sana sa ibang fast food ganyan din,at sa mga customer sana wag kayo maging maselan,kung may lalapit na ganyan, bagkus bigyan nyo sila ng biyaya pinag kakaloob sa inyo.. godbless kuya guard"

Titus Job Torres Lazaro: "Saludo kami sayo boss!!"

Joh Lou Rivera: "Everyone cn do that in our own way, pass the goodness"

Ivan Xander Dionisio: "Bait ni kuya"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sealed with a kiss! Iza Calzado is now officially Mrs. Wintle

Sealed with a kiss! Iza Calzado is now officially Mrs. Wintle

Sealed with a kiss! Iza Calzado is now officially Mrs. Wintle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel