Bong Revilla, nagbigay ng mensahe sa unang pagkakataon matapos siyang makalaya

Bong Revilla, nagbigay ng mensahe sa unang pagkakataon matapos siyang makalaya

- Nagbigay ng mensahe ang dating Senator na si Bong Revilla matapos siyang makalaya kahapon

- Sa isang Facebook video ay inihayag niya ang kanyang saloobin

- Nakalaya siya matapos ang apat na taong pagkakapiit sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang video ay inihayag ni Bong Revilla ang kanyang saloobon matapos siyang makalaya mula sa piitan sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame sa loob ng apat na taon.

Not guilty ang hatol na ibinaba ng Sandiganbayan sa kasong isinampa sa kanya sa diumano'y pagkakadawit niya sa Pork Barrel Scam.

Masayang-masaya ang pamilya ng dating senador sa naging desisyon ng Sandiganbayan. Kasama niya ang kanyang asawang si Bacoor Mayor Lani Mercado at mga anak kabilang na si Jolo Revilla.

Wala pong pagsidlan ng saya ang inyong lingkod sa paglabas ng katotohanan sa araw na ito. Kaya sa aking munting paraan, hayaan po ninyong ipaabot ko sa inyo ang aking pagmamahal at pasasalamat sa walang sawa ninyong pakikipanalangin sa amin

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matapos ang naging desisyon ng Sandiganbayan ay dumretso ang kampo niya sa Office of the Clerk upang magbayad ng piyansa. May 16 counts of graft pa itong kinakaharap.

Nagbayad siya ng Php 480,000.00. Alas 6:30 na nang siya ay napalaya mula sa Camp Crame.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya ang video matapos siyang palayain. Tinanong din siya ng anak na si Jolo kung ano nararamdaman niya.

“Thank you Lord! Thank you Lord! Ito lang masasabi ko… Lumabas yung katotohanan at nagpapasalamat ako sa mga patuloy na nananalangin… Para ako’y maging matatag,” saad niya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment

Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment

Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel