Lolo, natagpuang walang buhay sa mismong bahay dahil sa dugong tumagas na sa pinto

Lolo, natagpuang walang buhay sa mismong bahay dahil sa dugong tumagas na sa pinto

- Natunton ang kinaroroonan ng isang lolo dahil umano sa kanya mismong dugo na tumagas na palabas ng pinto ng kanyang bahay

- Nag-alala ang kanyang kapitbahay na mayroon na ring edad dahil sa di niya nakikita ang matanda ilang araw na

- Inaalam pa ang dahilan ng pagkamatay ng 79 taong gulang na lolo na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natagpuang wala nang buhay ang isang lolo sa kanya mismong bahay dahil sa tumagas na ang kanyang dugo palabas sa pinto nito.

Ayon sa ulat ng Yahoo Philippines, ang grupo ng mga volunteers ng Keeping Hope Alive ang siyang nakatunton at naglakas ng loob na pasukin ang bahay ng lolo upang makita ang totoong nangyari dito.

Ang grupong Keeping Hope Alive ay grupo ng mga volunteers na tumutulong sa mga senior citizens na hirap na at nag-iisa na sa buhay.

Nakatanggap umano sila ng paghingi ng saklolo ng isa ring nakatatanda na patungkol sa kapitbahay nitong di na niya nakikita.

Nilapitan sila ni Lianhe Wanbao habang sila ay nagbabahay bahay at namimigay ng mga pagkain at damit sa mga senior ng kanilang lugar at sinabi na di na niya nakikita ang 79 taong gulang na kapitbahay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napansin din daw ni Lianhe ang tumatagas na likido na mula sa loob ng bahay ng matanda. Inakala niyang cough syrup to ngunit nang ito ay sinubukan niyang amuyin, laking gulat niya na ito ay dugo.

Dito lalong kinabahan si Lianhe na maaring may di na magandang nangyari sa kanyang kapitbahay.

Sa tulong pa rin ng 'Keeping Hope Alive', agad na tumawag sila ng pulis upang alamin ang nangyari sa matanda. Agad namang rumesponde ang Singapore Civil Defence Force rescuers.

Nang pinasok na ang bahay nito, dito natagpuan ang katawan nitong nakahandusay na lamang sa sahig.

Patuloy paring inaalam ang dahilan ng pagkamatay nito. Nagtatrabaho pa umano ang matanda sa isang ospital at tinatayang nasa limang araw na itong di pumasok.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Today Is The Day! Wedding program nina Iza Calzado at Ben Wintle, pinakita

Today Is The Day! Wedding program nina Iza Calzado at Ben Wintle, pinakita

Today Is The Day! Wedding program nina Iza Calzado at Ben Wintle, pinakita
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel